Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Ibabaw ng Lahat… Pag-ibig (Part 6)

00 ibabaw pagibig

NAUNSYAMI ANG PLANO NI LEO KAY GIA

“S-sorry, ha? Nagmamadali ako, e…” ang ali-bi sa kanya ng dalaga.

“Ihahatid na kita sa inyo…Pwede?” aniya sa tonong may lakip na pakiusap.

“Mas komportable ako sa pag-uwi nang nag-iisa…” tanggi ng dalaga sa pagsimangot. “At ibig kong ipaalam sa iyo na may boyfriend na ako.”

Natulala si Leo. Nagkumahog naman si Gia sa pagsakay sa traysikel na namamasahero sa daan.

Pag-uwi ng binatang pintor sa Maynila ay agad siyang nagtuloy sa hang-out na paboritong inuman nilang magkakabarkada sa lara-ngan ng pagpipinta. Umorder siya roon ng beer at pulutan para sa mga katropang nakibalato sa pagkita niya ng malaki-laki sa trabaho. Ganu’n kasi silang magkakabalahibo sa sirkulo ng si-ning. Kung sino sa kanila ang may “raket” ay siya ang tumataya sa inuman.

Gusto niyang magpakalasing dahil sa sama ng loob. Parang tubig lang kung tunggain niya sa botelya ang beer. At dahil wala sa kondisyon magkuwento ay naging tagapakinig na lang siya sa mga kwento-kwentohan ng mga kaibigan. Tulad nang dati, nagsala-salabat ang maraming paksa sa kanilang pag-iinuman. Tumining iyon sa paboritong pag-usapan ng mga kalalakihan, ang babae na hinugot daw sa tadyang ni Adan.

“Naku! ‘Yang mga tsikas ay mahirap talagang ispelengin… Sala sa lamig, sala sa init,” ang sabi ng isa sa grupo ng mga artist na may asawa na.

“Oo nga…” pagpapatianod ng isa pa. “Para silang halaman na mahirap alagaan. Hindi pwedeng masobrahan o makulangan sa dilig.”

May nagkomento sa grupo na babae umano ang nagpapasarap sa buhay ng isang lalaki. At may umamin pa na hindi raw siguro nanaisin ng lalaki na mabuhay kung mawawala ang babae sa mundo.

Pag-uwi ni Leo sa inookupahang apartment ay binirahan agad niya ng higa. Pero hindi siya makatulog. Nagmistula siyang barbekyu sa stick na kawayan na pinaiikot-ikot sa ihawan.

Pagbangon sa kutson na nakalatag lang sa sahig ay naisipan niyang pumaroon sa kanyang studio. Kung nakapagsusulat nang lango sa alak ang pamosong American writer na si Edgar Allan Poe, siya naman ay may kakayahang magpinta kahit lasing.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …