Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bakit pati si Coleen ay magbabakasyon sa Showtime?

070314 Coleen billy

ni Ed de Leon

INAMIN ni Billy Crawford hanggang sa piskalya ang kanyang kasalanan at inamin niyang lasing siya talaga ng makagawa ng kaguluhan sa loob mismo ng presinto ng pulisya.

Kusa siyang nagpunta sa presinto, hinihingi niyang ikulong siya pansamantala dahil ayaw niyang makasakit ng kahit na sinong tao. Dahil sa kalasingan, hindi rin niya alam kung paano nga nangyari, na nabasag niya ang salamin sa sliding door sa presinto.

Dahil doon talagang kinulong siya ng tuluyan at kailangan niyang magpalipas ng isang buong araw sa kulungan dahil nangyari iyon ng Linggo ng madaling araw, at wala namang piskal sa ganoong araw. Kaya nga kinabukasan pa siya naiharap sa piskal at pinag-piyansa ng P6,000 na mabilis naman niyang binayaran para siya makalaya. Pero sinampahan siya ng kasong malicious mischief at disobedience to persons in authority. Maliban doon, hindi naman tinanggap ng piskalya ang iba pang kaso.

Tama naman ang sinasabi nila, bago iyan ay wala namang iba pang kaso ng kaguluhan o pagwawala iyang si Billy. Pero sabi nga ng ilang observers, mukhang sanay na sanay na ang kanyang manager sa mga ganoong kaso. Kasi nga ang isa pang talent ng kanyang manager, si Baron Geisler, ay napakadalas nang masangkot sa kaso ng pagwawala kaya siguro sanay na ang manager niya kung ano ang gagawin at sasabihin sa mga ganoong pagkakataon.

Kasabay niyan, sinabi rin naman na hindi muna mapapanood si Billy sa kanilang noontime show, ang ipinagtataka lang namin, bakit pati ang kanyang syotang siColeen Garcia ay magpapahinga rin muna sa kanilang show.

Anyway mas mabuti na nga ang nangyaring iyan, at least maayos naman ang lahat. Aminado naman siya sa kanyang kasalanan, at siguro magtatanda na siya na huwag masyadong maglalasing. Leksiyon din naman iyan sa iba na huwag maglalasing kung hindi kaya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …