Saturday , November 23 2024

Impeach VP Binay (Dahil sa korupsyon)

SINABI nina Senador Miriam Defensor Santiago at Atty. Romulo Macalintal, kapwa eksperto sa batas, na pwedeng magsulong ng impeachment case sa Kongreso laban kay Vice President Jejomar Binay dahil sa mga akusasyon ng overpricing sa P2.7-bilyong Makati Parking Building at pagmamaniobra sa lahat ng bidding sa lungsod na isiniwalat mismo ng dating mga opisyales ng kanilang City Hall.

Paniwala ni Sen. Santiago, isang beteranong hukom ng Regional Trial Court (RTC), pwedeng magsampa ng impeachment complaint laban kay VP Binay sa mga ginawa niya noong siya’y mayor pa ng Makati, taliwas sa naunang pahayag ng mga kapanalig ni Binay na hindi siya pwedeng ma-impeach dahil hindi pa siya ang pangalawang pangulo noong mangyari ang nasabing mga anomalya.

Sinabi rin ni Sen. Santiago na panahon na para siputin ni Binay ang mga pagdinig sa Senate blue ribbon subcommittee para sagutin ang mga akusasyon ng pandarambong, kaysa tuluyang iwasan ang mga ito. Dahil ang pagkanta ni dating Makati vice mayor Ernesto Mercado ay nakasisira sa kanyang intensiyong tumakbo sa pagkapangulo sa 2016, lalo na at malakas ang ebidensiya laban kay Binay dahil ito raw ay isang “declaration against interest.”

“He has done serious damage here,” pahayag ng Senadora. “I may say not only as a lawyer but also as a former RTC judge because under the rules of evidence there is a specific provision on admission against interest which gives the highest priority order.”

Para naman kay Macalintal, pwedeng masampahan ng impeachment si VP Binay para sa mga ginawa bilang mayor ng Makati. Dahil ang dating Chief Justice na si Renato Corona ay na-impeach noong Mayo 2012 dahil sa hindi pagsasapubliko at hindi tamang deklarasyon ng kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) noong siya’y miyembro pa lamang ng Supreme Court.

Si Albay Gov. Joey Salceda ang unang nagsuhestiyon na dumaan si VP Binay sa impeachment process dahil nakapaglikom na raw ng sapat na impormasyon ang mga senador, kabilang na si majority leader Alan Peter Cayetano, tungkol sa mga alegasyon ng overprice, at nasa kamay raw ng Kamara na asikasuhin ang anumang impeachment complaint kapag at kung may nagsampa nito.

Maging ang pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ay naniniwalang kailangan nang harapin at sagutin ni VP Binay at ng kanyang pamilya ang mga alegasyon ng pandarambong at hindi rin daw sapat na sabihing ng pamilyang Binay na sila ay biktima lamang ng pamomolitika. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *