UMABOT sa P31.9 milyon ang gastos ng pamahalaan sa walong araw na official working visit ni Pangulong Benigno Aquino III sa Spain, Belgium, France at Germany.
Umalis ang Pangulo kamakalawa ng gabi para sa kanyang four-nation working visit sa Europe mula Setyembre 13 hanggang Setyembre 20, kasama sina Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, Finance Secretary Cesar Purisima, Agriculture Secretary Proceso Alcala Jr., Trade and Industry Secretary Gregory Domingo, Tourism Secretary Ramon Jimenez Jr., Socio-economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, Transportation and Communications Secretary Joseph Emilio Abaya, Cabinet Secretary Jose Rene Almendras, Communications Secretary Herminio Coloma, Presidential Management Staff Chief Julia Andrea Abad, Presidential Protocol Chief Celia Anna Feria, Undersecretary Manuel Quezon III at Undersecretary Rochelle Ahorro.
Ang P31.9-M milyon ay budget para sa gastusin sa transportation, accommodation, food, equipment at iba pang pangangailangan ng Pangulo at kanyang buong delegasyon.
Inasahang makikipagpulong si Pangulong Aquino sa mga lider ng apat na bansa, gayundin sa business leaders sa Madrid, Brussels, Paris, at Berlin, pati na sa Filipino communities doon.
May 700,000 Filipinos sa Europe, 44,000 ang nakatira sa Spain, 6,600 sa Belgium, 46,000 sa France, at 20,000 sa Germany, batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA).
(ROSE NOVENARIO)