Saturday , December 28 2024

70 kadete dinismis dati ni Mayor Lim, nakabalik sa PNPA

00 Kalampag percySI Manila Mayor Alredo Lim ay isa sa mahalagang resource person na mapaghuhugutan natin ng kaalaman pagdating sa isyu ng pulisya.

Ang kanyang makulay na kasaysayan bilang alagad ng batas ay hindi matatawaran kung kaya’t naging tampok na halimbawa at inspirasyon ang kanyang dedikasyon bilang pulis sa paglimbag ng maraming aklat para kapulutan ng aral.

Kaya naman siya agad ang maiisip nating tanungin kapag may mga pangyayari sa hanay ng pulisya sa bansa para pagkunan ng kaalaman dahil sa kanyang mahabang karanasan na nagsimula bilang mababang patrolman ng Manila’s Finest hanggang marating ang mataas na ranggo – ang kauna-unahang pulis na Major General.

Hindi nga tayo nagkamali na siya ang tanungin kung ano ang kanyang masasabi tungkol sa nangyaring ‘hulidap’ sa Mandaluyong City kamakailan na kinasangkutan ng mga kagawad ng La Loma Police Station ng Quezon City.

Napag-alaman natin na karamihan sa pulis na sangkot sa nasabing hulidap ay kabilang pala sa 70 kadete na kanyang sinibak sa Philippine National Police Academy (PNPA) Class 2001.

Si Mayor Lim ang nakaupong kalihim noon ng Department of Interior and Local Government (DILG) at nag-imbestiga sa isang madugong hazing na ikinamatay ng dalawang kadete ng PNPA Class ‘01.

Ayon kay Mayor Lim, nang walang gustong umamin at magtapat kung sino-sino ang may kinalaman sa naganap na insidente, inatasan niya ang superintendent ng PNPA noon na bigyan ng kapirasong papel ang mga kadete at isulat ang pangalan ng mga sangkot sa hazing kung natatakot silang ituro ang mga salarin.

Nakiusap umano ang mga kadete at isang oras ang ibinigay sa kanila upang makapag-usap bago sulatan ang ibinigay na papel sa kanila.

Pero makalipas ang itinakdang oras, nang isumite nila ang hawak nilang papel ay pawang blanko at walang nakasulat.

‘Yan ang tinatawag na “Omerta” na ang kahulugan ay “code of silence,” tradisyong sinusunod ng mga sindikatong katulad ng “Mafia,” na tumatangging magbigay ng anomang ebidensiya sa awtoridad.

Ipinasiya ni noon ay DILG Sec. Lim na irekomendang ma-dismiss ang 70 kadete sa PNPA, bagay na binasbasan naman ni ousted president at convicted plunderer na si Joseph “Erap” Estrada habang nakaupong pangulo noon.

Ang masaklap, nang maluklok si dating senador at naging Laguna governor na si Joey Lina sa DILG ay ibinalik niya pala ang mga na-dismiss na kadete.

PATI MATITINO SA PNP GINIGIBA NG SINDIKATO

NANINIWALA tayo na mas nakararami pa rin ang matino kaysa mga scalawag na kagawad ng Philippine National Police (PNP).

Pero dahil sa pagkakabulgar ng umano’y hulidap operation ng mga pulis mula sa La Loma Police Station ng Quezon City na sangkot sa Mandaluyong City hulidap kamakailan na naging viral sa social media, posibleng samantalahin ngayon ng mga sindikatong kriminal ang isyu.

Ito na kasi ang tsansa nilang bumuwelta at mag-imbento ng mga kuwento para baligtarin ang mga alagad ng batas, at palabasing sila ay biktima ng ‘hulidap.’

Ang masaklap dito, pati ang media ay maaaring magamit ng mga sindikatong kriminal para gipitin ang mga pulis na nakasagasa sa kanilang ilegal na gawain.

Kaya importanteng inaalam munang mabuti ng media ang tunay na background ng kanilang source upang maiwasan na maging instrumento ng kasinungalingan dahil hindi lahat ng rekamo sa pulis ay totoo at dapat paniwalaan.

Halimbawa na rito ang kilalang estafadora na si alyas “JUNO” at kanyang alalay na si “ARIES” na nagreklamo laban sa mga pulis na nakatalaga sa Anti-Carnapping Unit ng Quezon City Police District (QCPD).

Noong nakaraang linggo lang inilabas sa isang news program sa TV ang kanilang reklamo sa layuning maisabay at idikit sa nangyaring hulidap sa Mandaluyong.

Nakapagtataka na hindi nabanggit sa ulat na ang negosyo pala ni Juno ay tumanggap ng mga isinanglang kotse ng mga talunan sa casino.

Lumalabas na nagagamit ang media na hindi ipinaalam kung ang mga nagrereklamo ay may gawaing labag o ilegal.

Lisensiyado ba o may business permit ba ang mga ganitong raket sa casino? Sino-sino ang kasabwat nila sa “negosyo?”

Lingid sa kaalaman ng madla, ang inirereklamong mga pulis ang dumakip sa bigtime carnapping syndicate ni Mark Lester Reyes noong nakalipas na buwan kaya hindi malayong buwelta ito sa kanila ng sindikato.

Kung ang tulad ng reklamo ni Juno ang “exclusive news” na mapapanood o mababasa ng publiko, aba’y para na rin nating kinakampihan ang mga kriminal para gibain ang PNP bilang institusyon ng pamahalaan na tagapagpatupad ng batas.

Para sa reklamo, suhestiyon at komentaryo tumawag o mag text sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Atty Joji Alonso Lorna Tolentino Judy Anne Santos Chanda Romero Espantaho

Juday, Chanda, Lorna nagpatalbugan, ilang eksena sa Espantaho makapanindig balahibo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IBANG klase talaga itong si direk Chito Rono. Forte talaga niya …

Coco Martin Julia Montes Topakk

Coco hindi naitago pagkabilib kina Arjo at Julia, Topakk pang-internasyonal

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BILIB na bilib si Coco Martin kay Julia Montes kaya hindi ito napigilang sabihing, …

Offload

Offload direktor na si Rommel Ricafort, saludo sa husay ni Allen Dizon

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY ang ginanap na special screening ng pelikulang Offload sa Gateway Cineplex, Cubao …

Chavit Singson 58 Days ng Milyong-Milyong Pa-Premyo

1-M views sa ikalimang  araw ng Chavit online game show

PUMALO na sa mahigit 1 milyon ang mga tagasubaybay ng ika-5 episode ng 58 Days ng …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *