NITONG Huwebes ay kinilala ng City Council ng Maynila ang Districts of Manila Federation of General Parents Teachers Community Association Inc. (DMFGPTCAI) bilang lehitimo at nag-iisang samahan ng mga magulang, teachers at komunidad.
Isa po ang inyong lingkod sa officers ng DMFGPTCAI.
Bago pa man kinilala ng Manila City Council ang DMFGPTCAI ay kinilala rin ito ng Department of Education NCR pagkaraan na maisumite ng mga opisyales ang mga rekositos .
At bilang lehitimong pederasyon, naglabas ng Executive Order (No. 63, series of 2014) si Mayor Joseph Ejercito Estrada na nagpapatatag sa existence ng samahan ng mga magulang, teachers at komunidad.
Siguro, doon sa tumututol pa na umano’y samahan daw sila ng tunay na PTA ay itigil na ang pagbatikos sa DMFGPTCAI. Sa halip ay makipagtulungan na sila para umabante na ang samahan na kakalingang tunay sa mga istudyante. Kung tutuusin, ganoon din naman ang kanilang adhikain.
Kaya doon sa mga bumabatikos na dating mga opisyales ng nakaraang federasyon, at sinasabing DE FACTO ang DMFGPTCAI, posibleng mag-boomerang iyon sa kanila.
Sabi nga sa larong basketball, IT’S ALL OVER BUT THE SHOUTING. Dahil may sarili nang legal identity ang DMFGPTCAI dahil sa pagkakarehistro sa SEC, kinilala ito ng Department of Education, kinilala ni Mayor Estrada thru executive order at ito ngang huli—ang pagkilala ng City Council ng Maynila.
Ito ang boomerang na sinasabi ko: Dahil sa minamanduhan ang lahat ng 103 public schools na mag-federate sa legal na pederasyon ang kanilang GPTA president sa pamamagitan ng DEPED ORDER 54, hindi nila puwedeng suwayin iyon.
At kapag sinuway nila ang mando ng DepEd na dapat ay mag-federate sila sa DMFGPTCAI, hindi sila mari-represent sa SCHOOL BOARD. At pag nangyari iyon—paano na ang mga proyekto ng eskuwelahan?
Sino ngayon ang magmumukhang de-facto?
Ayaw ng pamunuan ng DMFGPTCAI na mangyari iyon dahil ang misyon ng samahan ay ang mapaglingkuran ang bawat eskuwelahan at siyempre ang mga istudyante ang dapat makinabang.
Alex L. Cruz