Monday , March 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alexa, nagbago na ang pakikitungo kay Nash

082914 nash alexa

00 fact sheet reggeeHAHARAP sa malaking pagsubok ang mga karakter nina Nash Aguas at Alexa Ilacad sa pagpapatuloy ng kanilang Wansapanataym special kasama ang boy group na Gimme 5.

Sa Wansapanataym Presents Perfecto ngayong Sabado at Linggo (Setyembre 13 at 14), unti-unti nang magbabago ang pagtingin ni Kylie (Alexa) kay Perry (Nash) nang matuklasan niyang ginagamit ng kaibigan ang isang mahiwagang nilalang para makuha ang lahat ng gusto niya.

Tuluyan na bang masisira ang pagkakaibigan nina Perry at Kylie dahil sa kagustugan ni Perry na maging perpekto?

Bahagi rin ng Perfecto sina Matet de Leon, Vandolph Quizon, Candy Pangilinan, Melai Cantiveros, Alexa Macanan, at ang mga miyembro ng Gimme 5 na sina John Bermundo, Joaquin Reyes, Brace Arquiza, at Grae Fernandez mula sa panulat ni Joel Mercado at direksiyon ni Onat Diaz handog ng Dreamscape Entertainment Television na original story book ng batang Pinoy na Wansapanataym ay ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents Perfecto ngayong Sabado, 7:15 p.m. pagkatapos ng Home Sweetie Home at Linggo, 7:00 p.m., pagkatapos ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rodjun Cruz Dianne Medina

Rodjun deadma sa mga basher

MATABILni John Fontanilla NO pansin kay Rodjun Cruz ang mga basher at nagmemenod sa kanya sa pagiging …

Ferdie Topacio Bea Binene Yasmien Kurdi Myrtle Sarrosa Claudine Barretto

Claudine, Bea, Yasmine, Myrtle dream mapagsama ni Atty. Topacio sa isang pelikula 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pelikulang Spring Of Prague ay isang horror movie naman ang next movie …

Mhack Morales

Mhack Morales nakaranas ng dagok sa buhay

I-FLEXni Jun Nardo HOPING for the best ang producer-manager na si Lito de Guzman sa magiging resulta …

marriage wedding ring

Celeb nairita sa nanggakang content creators sa kanilang kasal ng non-showbiz wife

I-FLEXni Jun Nardo DINAYO raw ng mga unknown content creators ang nagyaring kasal ng isang …

Wency Cornejo certified chef

Wency Cornejo certified chef na 

HARD TALKni Pilar Mateo KAPAG sumasapit na ang panahon ng Semana Santa, naaalala ko ang …