Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

6th PMPC’s Star Awards for Music, sa Sept. 14 na!

PMPC star awards music

ni ROLDAN CASTRO

HANDANG-HANDA na ang Philippine Movie Press Club (PMPC) 6th Star Awards for Music sa pagkakaloob ng karangalan para sa mga natatanging alagad ng musika, sa ika-14 ng Setyembre, 2014, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino, Paranaque, 7:00 p.m..

Magsisilbing hosts sina Maja Salvador, Jake Cuenca, at Christian Bautista.

Sa Opening Number, aawitin ng mga nominado para sa Song of the Year ang kanilang kalahok na kanta: Basilyo (Lord, Patawad), Gloc 9 (Magda), Jonalyn Viray (Help Me Get Over), Abra (Gayuma), Kris Lawrence (Ikaw Pala), at Sarah Geronimo (Ikot). Nominado rin ang Nag-Iisa ni Angeline Quinto pero ‘di ito makakasama sa pagtatanghal dahil nasa ibang bansa.

Isang dance exhibition, kasama ng grupo ng mananayaw ang ihahandog ni Maja habang makakasama naman ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang kanyang anak na si Kiana Valenciano sa isang numero.

Ngayong taong ito, dalawang Lifetime Achievement Award ang ipagkakaloob: ang Parangal Levi Celerio para sa mahusay na kompositor na si G. Ryan Cayabyab at ang Pilita Corales Lifetime Achievement Award ay ibibigay naman kay internationally-renowned and multi-awarded musical artist, actor and television host, Bb. Lea Salonga.

Para magbigay ng tribute kay G. Cayabyab, mag-aalay ng awitin sina Christian, Celeste Legaspi, at Ryan Cayabyab Singers (RCS). Sina Pops Fernandez at ang Final Four ng The Voice Kids na sina Darren Espanto, Juan Karlo Labajo, Darlene Vibares, at Lyca Gairanod naman ang mag-aalay ng tribute kay Lea.

Ang Gabi ng Parangal ay mapapanood sa ABS-CBN’s Sunday’s Best sa Setyembre 21, 11:00 p.m.. Ito’y sa direksiyon ni Arnel Natividad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …