Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tirso, dumarami ang anak sa showbiz

091214 tirso

ni Roldan Castro

INIINTRIGA na umaalma ang ilang fans ng Guy & Pip na ginamit ang titulong Maria Leonora Teresa na ginawang horror movie ngayon ng Star Cinema at showing sa September 17. Maria Leonora Teresa kasi  ang pangalan ng manika at itinuturing na “anak” nina Guy & Pip  noong kasikatan ng tandem nila.

Ano ang comment ni Tirso tundito?

“Well, everyone has a name na Maria… Leonora… Teresa. Nagkataon lang naging kanta ko noong araw. Ano lang naman ‘yun…siguro intindihin na ibang characters naman ito. Different approach naman, nagkapareho lang ng title siguro pero iba naman ‘yung message,” deklara niya nang makatsikahan naming sa taping ng seryeng Hawak Kamay.

Sey pa ni Tirso, super sikat na manika talaga noong araw si Maria Leonora Teresa. Sa palagay niya ay mas sikat pa raw sa kanya.

Nasaan na ngayon si Maria Leonora Teresa?

“’Yan ang $64 dollar question, where it is? I don’t know right now. Hindi ko rin alam kung saan napunta. Baka may nakakaalam,” natatawa pa niyang pahayag.

Nag-asawa ba siya, birong tanong sa kanya.

“Ang huling balita ko kasi, nag-nursing, eh…sa States!,” birong sagot pa niya.

Anyway, isa si Tirso sa pasabog ngayon ng Hawak kamay ng ABS-CBN 2 dahil gumanap siyang ama nina Piolo Pascual at JM De Guzman. Matindi ang conflict na magaganap at maraming angst ‘yung character niya at kailangang i-resolve nila ni Papa P.

First time niyang katrabaho sina Piolo at JM.

“Dumarami ang anak ko,” sey pa ni Tirso dahil katatapos din niyang gumanap na ama nina Coco Martin at Jake Cuenca sa Ikaw Lamang.

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …