TALIWAS sa mga naglalabasang balita na tinanggal o sinuspinde ng pamunuan ng It’s Showtime ng ABS-CBN2 si Billy Crawford dahil sa kinasangkutang gulo nito noong Linggo, iginiit nilang wala itong katotohanan.
Sa ipinalabas na press statement mula kay Mr. Bong Osorio, ABS-CBN spokesman, sinabi nitong hindi totoong suspendido ang TV host. Magbi-break lamang daw ito mula sa pagho-host sa naturang noontime show. Narito ang kabuuan ng press statement.
“There is no truth to reports that Billy Crawford has been suspended from ‘It’s Showtime’. Billy is taking a short break from his hosting duty following the incident last weekend. — Bong Osorio, ABS-CBN Spokesman.
ni Maricris Valdez Nicasio
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
