Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Therese, umaasang magkakakarir sa GMA

091214 Therese Malvar

00 SHOWBIZ ms mMAGANDA ang adhikain ng pelikulang Tumbang Preso na isinulat at at idinirehe ni Kip Oebanda mula sa Spears Action and PR Company. Base kasi ito sa true story ukol sa mga batang ginagawang manggagawa sa isang sardines factory. Ipakikita rito ang mga batang nabiktima ng labor trafficking.

Mapapanood sa pelikula ang eksenang naglalagay ng sardinas sa lata ang mga bata na nahihiwa ang mga daliri, pero ang tanging sinasabi ng may-ari ng sardines factory eh, “okey lang, ‘di na mapapansin ‘yan dahil pula naman ang sauce.”

Ayon kay Direk Kip, noong araw pa nangyari ang istoryang ito dahil iba na ang pamamaraan ngayon sa paggawa ng sardinas, machine na ang gina­gamit.

Tampok sa indie film na ito sina Kean Cipriano, Ronnie Lazaro, Kerbie Zamora, Ms. Jaclyn Jose, at may special participation si Shamaine Buencamino.

Samantala, nilinaw ni Tere Malvar na Therese Malvar na pangalang gagamitin niya sa pelikulang Tumbang Preso dahil ito naman daw ang tunay niyang pangalan.

Ani Therese, ito rin ang ginamit niya simula nang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center.

Kung ating matatandaan, si Therese batang tumalo kina Nora Aunor at Vilma Santos sa Gawad Urian dahil sa pmagaling niyang pagganap sa Cine Filipino entry na Ang Huling Cha-Cha ni Anita.

Ani Therese, umaasa siyang mabibigyan pa siya ng maraming project lalo’t nasa GMA na siya. Bagamat maliit si Therese, super power naman ang kanyang acting kaya hindi siya nawawalan ng pag-asang maraming opportunity ang magbubukas sa kanya.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …