Thursday , December 26 2024

Paraiso ng Batang Maynila binaboy ng madayang perya-sugalan!?

00 Bulabugin jerry yap jsyDATI ang Paraiso ng Batang Maynila d’yan sa Adriatico St., sa Maynila (malapit sa Manila Zoo) ay malayang napaglalaruan ng mga batang residente sa area ng San Andres at Leveriza at kahit na ‘yung mga batang ipinapasyal ng kanilang mga magulang sa Manila Zoo.

Pero kamakailan lang, napadaan tayo sa area na ‘yan. Nagulat tayo nang makita nating puro kubol at lona ang bahagi na dapat sana ay takbuhan at laruan ng mga bata.

Akala natin under renovation, mali pala!

‘Yung mga kubol at lona pala ay PERYAHAN as in PERGALAN na may operasyon ng mga sugal lupa gaya ng drop ball, pasok-bote, colors game, stuffed toys game at iba pa.

Sonabagan!!!

Walang takot at walanghiya ang operator ng nasabing perya-sugalan na sinasabing isang alyas Mike at ang kanyang booker na isang alyas Liza.

Ano ba ang nangyari sa Paraiso ng Batang Maynila at pinayagan mong BABUYIN ito, Manila Police District Malate ‘parking’ Station (PS9) commander, Supt. Ramon Ondrada?!

Masyadong malapit ‘yan sa inyong estasyon para hindi ninyo makita o mapansin!

Walang pinipili ang nasabing perya-sugalan.

Lahat biktima nila komo ang prente nga nila ay perya.

Lahat pwedeng tumaya … bata at matanda.

Aba ‘e hindi mo man lang ba napapansin ‘yan KERNEL ONDRADA?!

MAGKANO este ano ang dahilan at parang may ‘tagabulag’ sina Mike at Liza sa iyo?!

Galaw-galaw KERNEL ONDRADA … ikaw rin baka masanay kauupo ‘yang pwet mo d’yan sa malamig na opisina mo e, hindi mo na matanggal ‘yan?!

O baka naman, ganyan talaga ang gusto mo … maghintay ng parating mula sa perya-sugalan?!

Ganoon ba ‘yun Kernel Ondrada ?!

DILG SEC. MAR ROXAS LINISIN MO MUNA ANG SARILING BAKURAN

KAMAKALAWA, nagtalumpati at nagsermon si Secretary Mar Roxas sa mga pulis sa pamamagitan ng kanyang ipinatawag na press conference.

‘Yan ay dahil sa sunod-sunod na bulilyaso at kapalpakan ng PNP sa iba’t ibang lugar na talaga namang nakasisira ng kanilang imahe at reputasyon.

Pero parang kabalintunaan (ironic) naman ang mga sinasabi ni Sec. Mar Roxas …

Alam po ba ninyo kung bakit?

Aba ‘e hindi n’yo ba alam Sec. MAR na ginagamit ng isang ALIAS JOJO KRUS at J-R ang inyong pangalan at ang inyong tanggapan para makapangolekta sa mga ilegalista, mula sa sugal hanggang sa pokpokan?!

‘Yan umano ay sa pakikipagsabwatan ng isang pulis-DILG na isang SPO4 JESS MAGAT na nagpapakilalang bata ni Gen. Pelisco.

Aba ‘e bago ninyo sitahin at linisin ang ibang tanggapan sa ilalim ng departamento n’yo, TINGNAN muna ninyo ang sariling inyo.

Namumunini ang mga kolektong ninyo sa area of responsibility (AOR) ng Quezon City at Eastern Police District (EPD).

Check-check din, Secretary Mar!

ANG SUPER LEGAL COUNSEL NG MGA ALIENS

SA LAHAT ng mga abogado ngayon na may hinahawakang Immigration cases sa Bureau of Immigration (BI), wala na raw titikas pa sa isang Atty. RENNY DOMINGO.

Si Atty. Renny Domingo raw ay graduate sa UE College of law at mapalad na nakapasa sa 2005 BAR exams. Member din siya ng Tau Kappa Lambda fraternity sa nasabing unibersidad.

Siguro nagtataka kayo kung bakit natin naging subject ngayon si Atty. Domingo?

Umaalingawngaw kasi ngayon sa apat na sulok ng BI main office ang pangalan at kasikatan niya.

Marami kasi ang nakapupuna sa BI main office na halos lahat ng mabibigat na kaso ng foreigners lalo na ng mga tsekwa ‘e laging hawak niya at naaabsuwelto daw sa kanya?

Na-master ba nitong si Atty. Domingo ang Immigration law at gano’n na lang siya kagaling para ipagtanggol at ipanalo raw ang kanyang mga kliyenteng dayuhan.

Pero ang nakapagtataka, bakit ngayon lang daw siya sumikat sa administration ni SOJ Leila De Lima at Comm. Fred Mison.

Ano raw ba ang significance nito?

Kamakailan kasi may mga hinuling isang kompanya ng cellfone na pag-aari ng mga Chinese diyan sa Ortigas Pasig at lahat ay naabswelto sa kamay ni Atty. Domingo.

Kasunod naman, may hinuli ang mga NBI at BI-Intelligence sa Calaca, Batangas na isang power plant na pawang mga tsekwa na ilegal na nagtatrabaho umano sa bansa pero matapos ang preliminary investigation sa Bureau ay laking gulat ng mga prosecutors dahil hindi nila akalain na si Atty. Renny Domingo ulit ang abogado at taas-noo pa raw na sumalubong sa kanila sa harap mismo ng Commissioner’s office na abot-tenga pa ang ngiti sa mga nangyayari!?

Gano’n na lang daw ang panlulumo ng mga nasabing prosecutors dahil parang alam na nila kung ano ang mangyayari at kahihinatnan sa nasabing kaso.

Sa mga magtatanong kung bakit ganoon na lang kaasim at kaastig si Atty. Renny Domingo ngayon sa Immigration, ‘e pumunta na lang daw kayo sa Comm’s Office at doon na lang po kayo magtanong kung bakit …

O pwede rin kay SOJ Leila de Lima?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *