NANAWAGAN ang pamahalaan ng Japan sa mamamayan nito para maghanda sa worst-case scenario kapag nagkaroon ng malakas na paglindol—sa pamamagitan ng pag-iimbak ng toilet paper.
Naglunsad ang industry ministry ng public awareness campaign una sa paggunita ng September 1 national Disaster Prevention Day, para paalalahanan ang mamamayan na maghanda ng sapat na mga emergency supply ng pagkain at sa-nitary products para maka-survive sa aftermath ng isang major earthquake.
“Maging handa at huwag magsisi,” pahayag ng ministry sa pag-advertise nito ng espesyal na exhibit ukol sa disaster preparedness na isasagawa sa isang gusali sa sentrong distrito ng Tokyo.
“Sa panahon ng sakuna, tulad ng malakas na lindol, palaging nagiging problema ang kakulangan ng mga useable toilet,” anito, kasabay ng pagdiin na lumalala pa ang isyu sa kakulangan ng toilet paper.
Nang tumama ang 9.0-magnitude earthquake at killer tsunami noong Marso 2011, nakaranas ang Japan ng kakula-ngan ng maraming mahahalagang bagay, kabilang na ang toilet paper, sa kabila ng pagho-hoarding ng karamihan ng mga pamilya ng kanilang mga pangangaila-ngan mula sa tubig hanggang sa gasolina.
Binigyang-pansin ng industry ministry ang bulnerabilidad ng produksyon ng toilet paper, na ang 40 porsyento ay naka-concentrate sa Shizuoka prefecture, isang rehiyon na sinasabi ng mga eksperto ay maaaring tamaan ng malakas na lindol at tsunami.
Kinalap ni Tracy Cabrera