Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Quezon City Filmfest, ibabalik ni Bistek

082514 Herbert Bautista

ni Timmy Basil

ISANG  fresh na fresh na Mayor Herbert Bautista ang  aming nakaharap noong Sabado sa sosyal na event place na pagmamay-ari ni Mother Lily  sa may Valencia.

Pinatawag kasi ni Mayor Herbert ang  mga movie press na nagbi-birthday ng  October, November, at December. Three years nang ginagawa ito ni Mayor Herbert  na ayon pa sa kanya ay sinunod lang daw niya ang tradisyon na inumpisahan ng kanyang ina na siMommy Baby Bautista na noong araw ay  nagpapakain ng libre  sa mga movie reporter na pumupunta sa kanilang canteen malapit sa Cubao.

Next year ay  magse-celebrate ang Quezon City ng Diamond Jubilee. Bale one year preparation ito at ngayon pa lang ay inuumpisahan na ang  countdown to the Diamond Jubilee sa pamamagitan ng  search nila for Miss Quezon City.

Bubuhayin din ni Mayor ang Quezon City Film Festival at iba pang  malalaking event leading to the Diamond Jubilee.

Nagulat si Mayor dahil  nagsipagtanda na ang mga reporter  na kanyang nakikita at nakilala noong araw pa. Dapat  daw na  pag-ingatan ang health dahil ito raw ang ating kayamanan.

Naikuwento pa ni Mayor Bistek na ang Quezon City ay may  clinic solely for AIDS victim.  Actually, isa itong  AIDS Testing Center na kung ma-diagnose ka na mayroon ka nga nito ay hindi ka nila pababayaan pang manghawa bagkus ay tutulungan ka  nila for your medication.

Kadalasan daw sa mga pasyente ngayon ng Bernardo Clinic ay mga lalaki—mga  male bisexual na nakikipagtalik sa kapwa lalaki o parehong male biaexual, so alam n’yo na mga kapatid?

Samantala, tinanong si Mayor kung may Instagram account ba siya? Itinanggi niya iyon pero mayroon naman daw siyang social media account gaya ng Facebook, Viber, atTwitter, pero Instagram ayaw daw niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …