INIUTOS ni Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Richard Albano ang pagsailalim sa lifesytle check sa lahat ng mga pulis sa Quezon City.
Ito’y kaugnay sa pagkakasangkot ng walong pulis La Loma sa EDSA hulidap at mahigit P2 milyon ang natangay mula sa dalawang negosyanteng mula sa Mindanao.
Ayon kay Albano, ang pagsailalim sa lifestyle check sa kanyang mga tauhan ay upang mabatid kung paano sila mamuhay batay sa kanilang kinikita o buwanang sahod.
PULIS-CALOOCAN SA HULIDAP SUMUKO
SUMUKO na si Police Senior Inspector Allan Emlano, miyembro ng Caloocan PNP, na idinadawit sa EDSA-Mandaluyong hulidap noong Setyembre 1.
Bandang 5 a.m. kahapon nang dumating si Emlano sa Quezon City Police District (QCPD) Station 1 para pormal na sumuko kay Chief Supt. Richard Albano.
Una siyang lumutang sa ABS-CBN reporter na si Raffy Santos sa Sta. Maria, Laguna dakong 2:30 a.m. at hiniling na sumuko sa QCPD makaraan maimpormahang iniuugnay siya sa kaso ng naarestong si PO2 Jonathan Rodriguez, ayon kay Albano.
(ALMAR DANGUILAN)