Saturday , November 23 2024

Miriam nag-walkout sa Senado

Philippine Congress and Senate during a joint session on martial law in Maguindanao
DALAWANG buwan makaraan ihayag na siya ay may lung cancer, nagbalik sa trabaho si Senadora Miriam Defensor-Santiago kahapon ngunit nag-walk out.

Ito’y makaraan kwestyonin ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas ang proceedings ng Commission on Appointments Foreign Affairs Committee dahil sa kakulangan ng quorum.

Pinili ni Santiago na manguna sa kompirmasyon ng appointments ng 48 opisyal dahil sa laki ng bilang nila at nakasanayan na ng senadora na gawin itong mabilis ngunit tila pinababagal ni Fariñas.

“‘Pag maraming nominees, gusto ko ako para mabilis kasi nga ang procedure ko gano’n. E patatagalin (ni Fariñas) e that is so bureaucratic and I hate it,” nanggagalaiting inihayag ni Santiago sa press conference.

“I hate bureaucracy for the sake of delay, that produces delay,” aniya.

Paliwanag ng senadora, gusto niyang umaksiyon agad dahil kapag pinatatagal ang isang gawain ay pipiliin na lang ng mga tao na magbayad na siyang pinagkakakitaan ng ilang mapagsamantala.

Aniya, tila nais ng kongresista na hintayin ang mga kasamahan sa bawat tawag ng nominee ngunit galit na hirit niya, “E ‘di mag-antayan kami do’n, ako chairman paantayin ng aking members?”

“I‘m always punctual not as a personal eccentricity but because I hate to make the public wait,” sabi niya kasunod ng pagbanggit na natanggap niya ang Laureate of the Asian Nobel Prize, o ang Ramon Magsaysay Award for Government Service dahil sa mabilis at malinis niyang trabaho.

Gayonman, hindi siya humingi ng ano mang paumanhin mula sa nakabanggang kongresista.

Bago mag-walkout, pinalayas ng senadora ang isang cameraman mula sa kwarto habang ginaganap ang proceedings dahil naistorbo aniya siya.

Dahil sa insidente ay kinansela ang pagdinig.

(CYNTHIA MARTIN/

NIñO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *