Wednesday , November 27 2024

Kurikit (Ang Duwendeng Makulit) (Ika-10 labas)

00 duwende_logo
NATUKLASAN NI KURIKIT NA SIYA AY NAPADPAD SA ISANG KOMUNIDAD NA SANDAMAKMAK ANG IBA’T IBANG SAKIT

Pero laganap pala sa buong komunidad na nalandingan ni Kurikit ang iba’t ibang uri ng karamdaman: dengue, kolera, tuberculosis, malalang gastroenteritis, pneumonia at kung ano-ano pa. Napag-alaman din niyang marami na ang nangamatay sa pagkakasakit niyon, lalo na sa hanay ng mga sanggol at kabataan. Naitanong niya kina Mang Nato at Aling Rosing kung ano na ang naging aksiyon ng pamahalaang lokal upang mapangalagaan ang buhay at kalusugan ng mga mamamayan.

“Wala…mas inuuna nila ang pagpapalaki ng tiyan,” ang tahasang sagot ni Mang Nato. “Ang lagi nilang iniisip ay kung paano sila makapangungurakot.”

“Wala na yatang matino sa gobyerno na pwedeng magmalasakit sa mga dukhang nasa abang kalagayan,” buntong-hininga ni Aling Rosing.

Natigilan si Kurikit sa pagkaawa sa mga taong naghihikahos na nga sa buhay ay palagi pang nagkakasakit.

Nang araw na iyon ay isang sesyon ang idinaraos sa pamahalaang lungsod na nakasasakop sa sambahayan nina Mang Nato at Aling Rosing. Wala sa agenda ng Sangguniang Panlungsod ang nauukol sa kalusugan ng mga mamamayan. Pero nagtungo roon ang binatang duwende upang impluwensiyahan ang utak ng bise-alkalde na tagapangulo ng sesyon, gayundin naman ang mga konsehal na opisyal at miyembro ng iba’t ibang komite. Hinayaan niya na kusang dumaloy ang talakayan doon sa sariling diskarte ng mga kinauukulan.

Nagsalita sa kapulungan ang chairman ng health committee. Pinaksa ang mga suliranin ng lungsod sa usaping pangkalusu-gan ng mga nasasakupan. Pagkaraa’y naglabas ng isang report na nagpapakita ng datus kung gaano na karami ang mga nagkakasakit at ilan ang bilang ng mga na-ngamatay sa mga dinapuan ng sakit.

“Panahon na para pagtuunan natin ‘yan ng pansin…” ang binigyang-diin ng chairman ng health committee.

Isang konsehal ng lungsod na miyembro ng naturang komite ang nagtaas ng kamay. Pinahintulutan naman ito ng presi-ding chairman na magsalita sa kapulungan. At kabanat-banat nito: “Iminumungkahi ko na dapat   magpasa agad ng isang resolus-yon ang konseho para sa pangangailangan ng lungsod sa pagpapagawa ng maramihang kabaong.”

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Shea Tan Ruffa Mae Quinto

Rufa Mae kinaiinsekyuran sa pagho-host

RATED Rni Rommel Gonzales MAGANDS, makinis pero aminado si Rufa Mae Quinto na pawisin siya. Aliw nga ang …

BingoPlus FEAT

BingoPlus awards historic ₱154M jackpot prize 

BingoPlus, the country’s premiere digital entertainment platform in the country, marked a historic milestone by …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *