Saturday , November 23 2024

Paano pa ako makikipagdate kung may Herpes ako?

00 try me francine

Hi Miss Francine,

I am 28 years old at may herpes ako na nakuha ko sa ex-boyfriend ko. Dalawang buwan na kaming mayroong relasyon at nagtatalik nang mas madalas na walang proteksyon nang aminin niya sa akin na may herpes siya.

Nang una kong marinig ‘yun naisip ko agad na na-discuss namin ‘yun no’ng first year college ako tungkol sa STD o Sexually Transmitted Disease, alam kong delikado ‘yun pero dahil nga no’ng time na nabanggit niya ‘yun ay sobrang inlove ako sa kanya kaya okay lang at tingin ko naman forever and ever na kami.

Sabi niya nakuha daw niya ‘yun no’ng namatay kapatid niya, bumagsak daw ang immune system niya, at ako naman ‘di na ako nagtanong pa, naisip ko na lang na pwede pala makuha ‘yun kapag mahina ang immune system mo.

At pagkatapos no’n di pa rin siya naglalagay ng proteksyon kaya nahawaan na rin ako. Nang magpa-test ako ng dugo ko, nakita na meron akong Type 2 at ang malala pa doon, pagkatapos ng ilang buwan na-ming relasyon ay naghiwalay din kami.

Kaya more than 2 years na akong walang boyfriend at kung meron mang gustong manligaw sinasabi ko na agad ang kalagayan ko at ayun natatakot sila sa akin na parang may kadiri akong sakit.

Dapat ko bang aminin na meron akong herpes sa bawat manliligaw sa akin? O huwag ko na lang aminin? Dapat ko bang idemanda ang ex-bf ko sa pagiging iresponsable niya?

ANNIKA

Dear Annika,

Iresponsable ang ex-boyfriend mo, dahil kung meron siyang herpes o kung anuman klaseng STD o Sexually Transmitted Disease ay dapat palagi siyang nagsu-suot ng condom para hindi siya makahawa, pero naki-kipagtalik siya nang walang proteksyon.

Nagtanong ako sa kaibigan kong abogado at sabi niya civil case ‘yan for moral damages.

Nagtanong din ako sa sa doktor kong Obstetrics and Gynecology (OB/GYN) ang specialization tungkol dito. Ayon sa kanya marami raw talagang tao na ilang taon na pala silang may herpes pero dahil nga minsan ay wala itong symptoms kaya akala nila wala. Wala rin ‘to sa dami ng nakarelasyon mo o nakatalik mo, dahil minsan kahit unang boyfriend mo palang ‘yun at nagkataon na meron siyang herpes at may outbreak ay maaari kang mahawaan.

Gumagaling ang herpes, nawawala ‘yung parang singaw na tumutubo sa iyong ari o sa bibig, pero ‘yung virus ay forever na talagang nasa katawan mo ang tanging gagawin mo lang ay mag-ingat lalo na ang iyong immune system, kaya siguro nasabi ng ex mo na nagkaroon siya no’n nang bumagsak ang immune system niya na maaaring nakipagtalik siya sa taong merong herpes kaya nakuha niya agad ‘yung virus o dati na siyang meron pero do’n lang lu-mabas ang outbreak nang mangyari ‘yun.

Hindi mo naman kelangang aminin agad sa manliligaw mo na meron kang ganyang virus, ang mas maganda siguro ay kilalanin ninyo muna ang isa’t isa at pag sa tingin mo ay siya na talaga ang napupusuan mo at nararamdaman mong mahal ka niya ay saka mo aminin ang iyong kalagayan, kung hindi ka niya matanggap ay okay lang gano’n talaga mabuti na ‘yun kaysa magsisihan kayo sa huli. At sana kung hindi mo maiiwasang makipagtalik siguraduhin mong meron kayong proteksyon.

At sabi pa ng aking doktor, kung sa future ay magbubuntis ka, siguraduhin mong malakas ang iyong immune system dahil maaari siyang mahawaan kaya madalas caesarian delivery ang ginagawa para siguradong hindi mahawaan ang baby.

                                Love,

                                Francine

Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon nandito ako handang sagutin base sa aking sariling opinyon, paniniwala at naresearch. Nasa sa inyo pa rin kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *