Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ano nga ba ang totoong nangyari kay Kuya Boy?

091014 boy abunda

ni Rommel Placente

NOONG Linggo ay napanood ang taped interview ni Boy Abunda sa  programa nilang The Buzz. At dito ay sinabi niya ang mga dahilan ng pagkaka-hospital niya at binigyang-linaw na rin ang mga espekulasyon tungkol sa kanyang karamdaman.

Narito ang ilang bahagi ng interview sa tinaguriang King of Talk.

“Maraming salamat sa inyong pagdalaw dito sa aking tahanan, thank you. I look forward to this interview. May mga panahon sa hospital, parati kong sinasabi, kailan ko ulit masasabing, ‘Magandang hapon, Pilipinas at sa buong mundo, welcome to ‘The Buzz.’ But I’m glad to be back,” simulang sabi ni Boy.

Patuloy  niya, “Maraming mga taong nagtatanong, ‘Ano ba talaga ang sakit ni Boy? Parang ang tagal-tagal, parang nakalabas na siya sa hospital, pero bakit hindi pa siya lumalabas sa telebisyon?Ano ba talaga ang kuwento?’

“Hindi po ako naospital mula noong ako ay nag-umpisang mag-host sa telebisyon. Kaya naiintindihan ko ng bahagya kung bakit maraming tao ang nasindak na ako ay nagkasakit.”

Ayon pa kay Boy, kaya siya na-hospital ay dahil bumigay na siya, sobrang sakit na ng kanyang ulo.

Dagdag niyang kuwento, “Ayon sa nurses na aking kasama, ayon sa aking mga nagbabantay, nagdeliryo ho ako, nagkombulsyon ho ako. Ang sabi sa akin, nagtsi-chill daw ako sobra, sobrang-sobrang chill.

“Nakakatakot daw akong panoorin. ‘Tapos kinakagat ko raw ang aking dila, I was gnashing my teeth, I was biting my lips, so I was bleeding.

“Mayroon palang pagkakataon sa buhay ng isang tao, mga kaibigan, that sobra kang hina, that you are so helpless. Ibinigay ko sa Diyos ang aking buhay at ibinigay ko sa mga doktor ang aking buhay. Kahit anong test, kahit anong test I’m open, sabi ko sa aking doktor, to any test.

“So, lahat ho ‘yun pinagdaanan, dengue, tipus, typhoid, HIV, hepa, lungs, liver, kidneys, at marami pa pong iba.”

Pagkatapos ng maraming test na ginawa kay Boy, ang na-diagnose sa kanya ay may nana sa kanyang liver.

“Ang ginawa po nila sa akin, nag-aspirate po sila. Gumamit po sila ng pagkalaki-laki, at pagkahaba-habang karayom. Pero hindi ko po tiningnan ‘yun, naramdaman ko lamang.

“Pinasok po ako rito… hanggang ngayon masakit pa po ito. Rito, pumasok po ‘yun, ultrasound-guided po ito, dumaan po sa ribcage, hanggang narating po iyong liver.

“Na-aspirate ‘ yung ibang nana. Pero hindi po lahat ‘yun. Kaya mga three days pa, mayroon po akong pig tail na tinatawag, na iniwanan nila para i-drain ‘yung natirang nana sa aking liver. Gaano karaming abscess ang nakuha sa aking atay? 300 ml.

“May mga araw, hindi ko po mabilang, ang blood extraction na ginagawa po sa aking katawan, hinang-hina po ako. Ang sakit, sakit, sakit, sakit po ng aking nararamdaman.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …