Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eagle Riggs, bilib sa magic sa box office ni Direk Wenn

091014 Eagle Direk Wenn

ni Nonie V. Nicasio

ISANG teacher na kaibigan ni Zanjoe Marudo ang papel ni Eagle Riggs sa pelikulang Maria Leonora Teresa na mula sa pamamahala ng box office director na si Wenn V. Deramas.

“Ang mga eksena ko sa MLT usually ay with Zanjoe dahil co-teacher kami. Saksi ako kung gaano kamahal ni Zanjoe ang anak niyang si Leonora at lagi akong nakasuporta sa mga pinagdadaanang kalungkutan ni Zanjoe aka Teacher Julio mula nang mamatay ang kanyang anak dahil sa isang malagim na aksidente.

“Ang MLT ay isang pelikulang punong-puno ng pagmamahal lalo na sa mga magulang at sa pagmamahal nila sa kanilang mga anak. Tatalakayin dito kung gaano kasakit ang mawalan ng anak at kung hanggang saan ang maaari mong gawin para lang mapawi ang sakit kapag wala na sila.

“Drama na, Horror pa! Tapos, gawa pa ng box office hit maker na si Direk Wenn at produced pa ng Star Cinema. Ano pa ang hahanapin natin, ‘di ba? Isa na naman itong pelikulang ‘di malilimutan at kakatakutan nang husto!” Pahayag ni Eagle nang amin itong makahuntahan recently.

Ano ang masasabi mo sa box office magic ni Direk Wenn?

“May kakaibang magic talaga ‘yang si Wenn pagdating sa paggawa ng kuwento at sa pagdi-direct!

“Kapang-kapa niya ang gusto ng masa. Dahil masa siya, alam niya kung ano ang nakakatawa, alam niya kung ano ang nakaiiyak dahil movie fan ‘yang si Wenn. Mahilig iyang manood ng mga pelikula. Gamay na gamay na niya ang hininga ng movie going public, alam niya ang kiliti at alam niya kung saan sila kukurutin para maiyak!

“Kaya tingnan naman ninyo ang box office record ni Wenn, lahat halos ng pelikula niya ay patok sa takilya dahil nauunawaan nga niya ang pulso ng manonood.

“Si Direk Wenn at ang masa ay iisa! Kung ano ang gusto ng masa, ‘yun ang io-offer sa atin ni Direk Wenn at makatitiyak tayo na gawa ito sa pinakamataas na kalidad, pelikulang pinaghirapan, binusisi, pinaganda, tinutukan… na nakabalot sa isang puting telon na punumpuno ng pagmamahal na nagmumula sa malikot na isip at madamdamin puso ng nag-iisang si Wenn Deramas,” ani Eagle. Dagdag niya, “Mabait na tao si Wenn kaya naman deserve niya ang lahat ng blessings na tinatamasa niya. Mabuti siyang tao kaya naman nagre-reflect ‘yun sa quality ng pelikulang ginagawa niya. “At ngayon nga sa kauna-unahang pagkakataon, after na ma-master at ma-perfect na ni Direk Wenn ang comedy at drama genre, may panibago na naman siyang iko-conquer, ang horror-drama!”

Ang Maria Leonora Teresa ay mapapanood na sa September 17. Bukod kina Zanjoe at Eagle, tinatampukan din ito nina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, Dante Ponce, Cris Villanueva, Joem Bascon, at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …