Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matagal nang gawain ng mga Police La Loma ang manghulidap!

00 pulis joey

WALANG lihim na hindi nabubunyag at lahat ng kasamaan ay may katapusan.

Halimbawa na rito ang siyam na pulis ng La Loma Police Station ng Quezon City Police District (QCPD) na nabulgar ang ginawang kidnapping, highway robbery at illegal detention sa da-lawang biktima na tinutukan nila ng baril sa may EDSA, Mandaluyong City noong Setyembre 1 ng tanghali. Malas lang ng mga gago dahil nakunan sila ng larawan ng nakabuntot na motorista at pinost sa social media, kungsaan kumalat ito at nakarating sa kaalaman ng pamunuan ng NCRPO at maging sa liderato ng PNP mismo.

Dahil dito ay nagkaroon ng lakas ng loob ang dalawang biktima at nagsadya sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD). Kaya natumbok ang mga salarin sa La Loma Police Station. Walang kawala, hindi nakapalag, umamin ang mga demonyong opisyal na may-ari ng sasak-yan na ginamit sa pangigngidnap na sina Major Joseph de Vera na isa pa yatang graduate ng PNPA, kasama sina Kapitan Oliver Villa-nueva, ang dismissed Captain na si Marco Polo Estrera, SPO1 Ramil Hachero, PO2 Jonathan Rodriguez, PO2 Weavin Masa, PO2 Mark de Paz, PO2 Jerome Datingguinoo at PO2 Ebonn Decatoria. Nagwakas din ang kasamaan ng mga demonyo! Thank you, Lord!

Ang palusot ni de Vera ay drugs operation ang kanilang ginawa. Pero hindi naman sila taga-anti drugs at wala namang droga na nakuha sa mga biktima. Ang nakuha nila ay ang P2-M cash ng mga biktima na pinag-withdraw pa raw sa ATM ng P60,000.

Ang mga pulis na ito ay suki na ng aking kolum na ito. Madalas silang maisumbong ng pambabangketa, hulidap at salvaging.

Oo, notoryos daw talaga ang mga pulis sa La Loma Police Station na yan. Kaya dapat d’yan, palitan lahat ng mga pulis sa istasyon na ito para maibalik sa taongbayan ang pagtitiwala sa naturang presinto.

Balikan natin ang kidnapping insident. Paano kaya nalaman ng grupo ni de Vera na mayroong dalang P2-M ang dalawang biktima na noo’y pa-punta sa MOA para magbayad umano sa binibi-ling heavy equiptments?

‘Yan ang inaalam ngayon ng mga nag-iim-bestiga.

Abangan!

Reward money vs kidnapper na mga Pulis-La Loma

NAGLAAN na ng reward money ang pamahalaan para sa ikahuhuli sa ilan pang Pulis La Loma, Quezon City na sangkot sa EDSA hulidap/kidnapping.

Mismong si DILG Sec. Mar Rojas na ang humiling sa Malacanang na lakihan ang reward money para sa ikadarakip ng mga wanted na pulis.

Dismayado na kasi si Sec. Roxas sa pinakahuling kaso nga nitong kidnapping na kinasasangkutan ng mga miyembro ng QCPD La Loma Police Station 1 nitong Setyembre 1 sa kahabaan ng EDSA na sakop ng Mandaluyong City.

Bago ito ay isinasangkot din ang isang pulis sa pagpaslang sa car race champion na si Enzo Pastor.

Hinikayat naman ni NCRPO Chief, Director Carmelo Valmoria, ang publiko na agad ipagbigay-alam sa pulisya kung may impormas-yon sila sa mga wanted na pulis. Kontakin lamang aniya ang PNP hotline 6410877 o 0906-5457238 para sa anumang impormasyon sa mga pulis na pinaghahanap ng batas.

Ang problema rito, Dir. Valmoria, ay laging busy ang naturang hotline at kung makontak man ay wala ring nangyayaring aksyon! Pramis!!!

Siyanga pala, Dir. Valmoria, puwede rin ba ang hotline na ito maging sumbungan laban sa mga kolektong na pulis?

Nagpapapansin nasi Bagatsing for Mayor

Sa corner ng Quirino Avenue-Roxas Blvd, Manila, may makikitang isang puting tarpualin na nakalagay sa poste. Nakalagay sa tarpualin ang larawan ni dating late Mayor Ramon Ba-gatsing, haligi ng Maynila. Mukhang reminder na ito ni outgoing Cong. Amado Bagatsing para sa kanyang pagtakbo sa 2016. Hehehe…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …