ANG feng Shui ay nagsisikap na balansehin, pagandahin at isaayos ang ating buhay maging sa pagpaplano ng pamilya. Kaya naman, gawing solusyon ang Feng Shui sa pagbibilang, pag-aagwat at tamang pagpapalaki ng iyong mga anak sa araw-araw.
Romance
Sa pagkakasunod-sunod ng yugto ng pamumuhay, romansa ang tanging bagay na nagbubukas ng pamilya. Isa sa prinsipyo ng Feng Shui hinggil dito ay iyong paggalaw.
Ang romantikong mag-asawa ay dapat na nagsasalo ng kanilang atensyon at pagmamahal sa isa’t isa sa southwest area ng kanilang kwarto. Kung i-aapply ang prinsipyo ng paggalaw at paglalagay ng enerhiyang gumigising ng mga elemento, gaya ng natural illumination at symmetry, ito ay maghahatid ng init sa inyong pagsasama bilang mag-asawa.
Go West
Ang Silangang bahagi ng inyong bedroom ay may kaugnayan sa inyong anak. Payo ng Feng Shui experts sa mga mag-asawang nais magpalaki ng pamilya, lagyan ng dekorasyong may kinalaman sa earth element ang parteng ito. Vases, frames at artistic rock gardens ay ilan lamang sa mga bagay na maaari mong ilagay rito. Ang earth ay sumisimbolo sa fertility. Ang earth ay lugar kung saan itinatanim ang pagkain at pinalalaki ang mga hayop para makain, katulad din ng buhay.
Dahil ang bahaging ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng anak, ito ay dapat na malinis at walang bahid ng ano mang kalat. Ang mga kalat sa lugar na ito ay nag-aalis ng chi na dapat ay papasok sa inyong bahay.
Decorate for Fertility
Nararapat lamang na pag-ukulan mo nang pansin ang mga dekorasyon, dekorasyong sumisimbolo sa pagkakaroon ng anak.
Ang elepante ay isang simbolo ng fertility. Kung maglalagay ka ng isang estatwa sa ano mang bahagi ng inyong bedroom, ito ay nakaka-attract ng symmetry sa kwarto.
Ang matabang halaman na nakapalibot sa inyong bahay ay nagbibigay ng growth aura, lalo na kung ito ay isang kawayan. Huwag maglalagay ng mga halamang unti-unti nang nalalanta o natutuyo ang dahon dahil hindi ka nito bibigyan ng anak.
Open The Door For Baby Chi
Ang front door ang unang lagusan ng chi. Kung ito ay nahaharangan ng ano mang bagay, bumabagal din ang daloy ng enerhiya sa inyong bahay. Kaya naman, ipinapayong tanggalin ang puno o ano mang bagay na nakalagay sa harap ng front door.
Dagdag pa rito, maaari ka rin magsabit ng isang wind chime sa front door. Kung ito ay madalas mong naririnig na tumutunog, hudyat din ito sa rumaragasang pagpasok ng chi energies.