ni Nonie V. Nicasio
ISA sa entry sa forthcoming Himig Handog Pinoy Pop Love Songs 2014 ang kantang Pumapag-ibig na ginawa ni Jungee Marcelo. Ang interpreter nito ay si Marion Aunor kasama sina Rizza at Seed.
Madalas kong naririnig nga-yon sa radio ang Pumapag-Ibig at nakakatuwa dahil malakas ang dating ng kantang ito ni Marion. Pati ang bunso ko ay lagi itong kinakanta, kaya naniniwala ako na may laban ito sa September 28, sa Finals Night sa Araneta Coliseum.
Naka-chat ko si Marion after ng Star Magic Ball at inusisa ko kung sino ang ka-date niya rito. Pero wala raw siyang ka-date sa yearly event ng ABS CBN.
“Wala po akong date last night pero nakasama ko ‘yung mga fellow singers ko.
“First time ko pong mag-attend ng ball and I couldn’t believe that I was finally part of that event dahil nga isa po sa mga naging traditions na po ng ABSCBN na laging pinagkakaguluhan,” sa-got sa amin ng talented na anak ni Ms. Maribel Aunor.
Ibang level ka na Marion, nominated ka sa Star Awards for Music tapos ay may entry ka na naman (sa interpreter this time) sa PPop, ano ang masasabi mo sa nangyayari ngayon sa career mo?
“Well siyempre ay natutuwa po ako sa lahat ng mga blessings and opportunities na ibinibigay sa akin. I’m constantly trying to make the best out of what’s been given to me.
“Patuloy pa rin po ang pag-record ko ng songs. Right now tapos ko na po i-record songs ni Tito Vehnee (Saturno) and pinapa-arrange ko na po ‘yung songs ko kay Sir Arnold Buena,” wika pa niya patungkol sa tinatapos niyang second album.
Sinabi rin ni Marion na masaya siya dahil sa maraming positibong komento sa kanyang entry sa P-Pop.”Natutuwa ako na maraming positive na comments tungkol sa song. Of course, in-expect ko rin naman po yun dahil napakagaling na songwriter ni Sir Jungee. I just feel lucky na napili niya ako as one of the interpreters along with Rizza and Seed.”
Ang Kapamilya stars na magiging mga host ng Himig Handog Pinoy Pop Love Songs 2014 ay sina Kim Chiu, Xian Lim, Robi Domingo, at Alex Gonzaga.
Bukod sa Pumapag-ibig ni Marion, ang iba pang entries na narinig ko na at nagustuhan ko ang Pare Mahal Mo Raw Ako ni Direk Joven Tan at ang talent ni katotong Jobert Sucaldito na siMichael Pangilinan ang interpreter nito, Janella Salvador para sa Mahal Kita Pero ni Melchora Mabilog, at Daniel Padilla para sa Simpleng Tulad Mo ni Meljohn Magno.
KEAN, BILIB KAY DIREK KIP NG PELIKULANG TUMBANG PRESO
BILIB si Kean Cipriano kay Kip Oebanda. Siya ang sumulat at nag-direk ng indie movie naTumbang Preso na isa si Kean sa may mahalagang papel.
“I admire his passion for filmmaking. I am a filmmaker myself and talking to a person who is so determined and so into it… ano e… he wants to tell a story in a most efficient way. I think iyong istorya na nagawa niya, is na-ging awareness movie. Na this thing should not be taken for granted.
“Iyong style niya sa paggawa ng movie, he is very collaborative, super collaborative. Puwede kang mag-suggest. We drank a few times, just talking about the movie. Iyon din siguro iyong isa sa nagpasaya ng pelikulang ito. Kasi, iyong kasama mong director ay natututo ka sa kanya and vice versa, I hope.
“Nagbabatuhan lang kami ng idea, isang malaking brainstorming iyong nangyari, hanggang ngayon. Like kagabi, I was able to watch the film and I was telling him my comments and my opinion. “He is just so open and respectful and polite to tell kung ano iyong gusto niyang sabihin. And iyon nga, ang galing, kasi ay nakagawa kami ng pelikula about human trafficking.”
Bukod kay Kean, ang Tumbang Preso ay tinatampukan din nina Therese Malvar (dating Teri Malvar), Ronnie Lazaro, Dominic Roco, Star Orjaliza, Kerbie Zamora, Ron Cieno, and Ms.Jaclyn Jose. Introducing dito si Kokoy Desantos at may special participation si Shamaine Centenera Buencamino. Showing na ang Tumbang Preso sa October 8.