Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Matti, tinawag na starlet si Lovi Poe

090714 Erik Matti  lovi poe

ni ROLDAN CASTRO

PASABOG ang post ni Direk Erik Matti sa Facebook . Sumabog ang galit niya kay Lovi Poe at sa talent manager na si Leo Dominguez dahil sa pagtanggi ni Lovi na  mag-shooting para sa sequel ng  filmfest entry na The Aswang Chronicles, ang Kubot…

Mababasa sa  FB Account ni Direk Matti na tinawag na starlet at minura niya si Lovi…

Ilang parte sa post niya:

“The final straw that made us decide it would be impossible to get Lovi Poe to do the role was when they said yes but demanded a ridiculous amount of money for it. There I realized, Tangina, wala talagang plano ‘tong Lovi na ‘to na gawin ‘tong sequel. Huhuthutan lang kami nito na parang nangongotong na pulis!

“I am pissed that a starlet like Lovi Poe would have the gall to go against the contract she signed just because she does not want to do a two-day role.

“We will, of course, still find a replacement for her after all the burden she put on us and the production.

“Just want to vent out my frustration at how these managers and starlets think so highly of themselves. Gumawa lang ng Muslim Musliman na indie kala mo serious actor na.

“This will be the last time I will get a talent from Leo Dominguez. And Lovi Poe, kahit maliit lang kaming production company, you will never get any offer from us again. Good luck on your world-changing teleseryes. Fuck you very much for fucking us up!”

Bukas ang   aming espasyo sa panig at paglilinaw ni Lovi at ni Leo sa  mga pahayag ni Direk Erik.

Pero hindi rin kami pabor na tawaging starlet si Lovi ni Direk Matti dahil may napatunayan na rin naman siya bilang magaling na aktres. Ilang beses na rin siyang naging best actress sa iba’t ibang award giving bodies. Naging  bida sa mga teleserye ng Siete . Kukunin ba siyang leading  lady ni Dingdong Dantes  sa part 1 ng Tiktik kung starlet lang siya? Kahit sa  GMA 7,  mapapabilang siya sa mga magagaling na aktres at hindi rin nagpapakabog kay Maricel Soriano. I’m sure hindi rin manggagalaite si Direk Matti kung ‘starlet’ lang ang pag-aakasayahan niya ng galit at panahon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …