Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gilas dapat sa heroes’ welcome

080614 gilas pilipinas fiba

NANINIWALA si Presidential spokesperson Edwin Lacierda, karapat-dapat na ibigay sa Gilas ang mainit na pagtanggap at pagbati makaraan ang kampanya sa FIBA World Cup sa Spain.

Ayon kay Lacierda, ipinagmamalaki ng bansa ang performance ng Philippine basketball team lalo na ang magiting aniya na panalo laban sa Senegal.

Nabatid na kahit nabigo na makaabanse sa susunod na round ng FIBA World Cup, pinahanga ng Gilas ang basketball fans dahil sa ipinakitang laban kahit sa magagaling na team.

Sinabi ni Lacierda, posibleng magkaroon ng courtesy call ang Gilas kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ipinakita aniya ng Gilas na may puso ang mga Filipino sa paglaban sa kahit anong larangan at binigyang karangalan ang bansa.

“I’m sure the Filipino people will be celebrating when they arrive… They put up a good fight and made the Philippines proud, and showed may puso ang Filipino sa paglaban sa kahit anong larangan in sports or any field to show we have heart,” ani Lacierda.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …