Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

VP Binay obligadong sumagot – CBCP

090814_FRONT
OBLIGADONG sumagot si Vice President Jejomar Binay sa lahat ng mga akusasyong ipinupukol sa kanya upang maliwanagan ng mga mamamayan kung ano ang mga nakapaloob sa sinasabing overpriced sa parking building sa Makati, pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Binigyang-diin ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na Chairman rin ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs, hindi umano maaaring ipanangga ni VP Binay ang litanyang “pinopolitika lamang siya.”

Kinakailangan nang harapin ni Binay ang lahat ng akusasyon at sagutin o klaruhin ang isyu upang ganap na malinis ang kanyang pangalan.

Aniya, kung may pinagbabasehan ang mga nagsisipagreklamo hindi uubra na balewalain lamang ni Binay kundi dapat ay sagutin lahat at patotohanan kung siya nga ay hindi nasasangkot o walang anumang overpriced sa kanilang mga isinasagawang proyekto tulad ng kontrobersiyal na parking building na pinalobo umano ang presyo sa mahigit isang bilyong piso.

Magugunita na ang grupo ng United Makati Against Corruption (UMAC) na pinamumunuan ni Atty. Renato Bondal ay inakusahan sina VP Binay at anak na si Makati Mayor Junjun Binay kasama ang 21 konsehal gayon din ang kanilang City Auditor ng kasong plunder dahil sa umano’y overpricing na Makati Parking Building 2 na nagkakahalaga ng P2.7 bilyon.

Gayon man, ang naturang akusasyon ay sinagot lamang ni VP Binay na pinopolitika lamang siya dahil sa kanyang nakaambang pagtakbo bilang presidente ng ating bansa.

Ngayon pa lamang ay sinisira umano ang kanyang imahe para maharang ang kanyang kandidatura sa 2016 National Election.

Kamakailan, naihayag sa Senate Committee hearing na pinangangasiwaan ni Sen. Aquilino Pimentel, Jr., ni COA Chairperson Grace Pulido-Tan, ang naturang parking building sa Makati ay “red flags” o indikasyon na may anomalya dahil sa laki ng presyo.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …