Saturday , November 23 2024

TV host nagwala sa pulisya

090814 billy crawford

ISINAILALIM sa drug at liquor tests sa Camp Crame ang TV host/actor na si Billy Joe Crawford matapos arestohin nang magwala habang lango sa alak sa Police Station 7, sa Bonifacio Global City, sa lungsod ng Taguig kahapon ng madaling-araw.

Si Crawford, 30, ng 1126 Filivest Batasan Hills, Quezon City, host ng It’s Showtime, ay agad humingi ng tawad sa ginawang pagbibitiw ng masasamang salita at pagbasag sa salamin ng estasyon ng pulisya dahil sa kalasingan.

Kasabay ng paghingi ng sorry, inako ng aktor na kasalanan niya ang nangyari dahil lasing siya nang mga oras na iyon pero mariin niyang itinanggi na sinaktan at nilabanan niya ang dalawang pulis na naka-duty sa police station nang siya ay magpunta.

“Nagpunta kasi ako sa pulis para ipakulong ko ang aking sarili dahil ayaw ko makasakit o makapatay ng tao dahil may mabigat akong problemang dinadala,” pahayag ni Crawford.

Napag-alaman kay Insp. Jonathan Arribe, dumating sa Station 7 si Crawford kasama ang isang babae na lasing sa alak.

Sinabi ni Crawford sa duty-police na sina POs1 Jasmin Sipagan at Rodelma Canao na ikulong siya, sinagot siya na dadalhin sa headquarters ng Taguig PNP dahil doon ang detention cell hanggang nagsimula nang magwala ang aktor, sinuntok ang salamin at nagsisigaw.

Nang mahimasmasan, kaharap ang mga mamamahayag nang humingi ng tawad si Crawford sa mga pulis kasabay ng paliwanag na nasa impluwensiya siya ng alcohol kaya hindi niya nakontrol ang sarili sa pagwawala.

“Natuto ako sa nangyari. Hindi dapat uminom nang sobra. Maybe lessen the alcohol, It’s a shame for me,” dagdag ni Crawford.

Inihahanda ang kasong malicious mischief, direct assault, resisting arrest and disobedience to an agent of person in authority na isasampa laban kay Crawford.

Una nang nalagay sa kontrobersya si Crawford noong nakaraang taon matapos ang paghihiwalay nila ng longtime girlfriend na si Nikki Gil.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *