Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Newsman sugatan sa 6 bagets na snatchers (iPhone 5 tinangay)

KAHIT nasa harap na ng bahay, hindi pa rin nakaligtas ang isang reporter mula sa anim na snatcher nang agawan ng iPhone 5 at saksakin ng anim bagets na snacthers sa Pasay City.

Bagama’t hindi na narekober ang iPhone 5, na nagkakahalaga ng P43,000, nagpapagaling na sa San Juan de Dios Hospital sa saksak sa hita at braso ang biktimang si Ferdinand “Bong” Patinio, 43, reporter ng Philippine News Agency (PNA), ng 619 EDSA, Pasay City.

Sa ulat ni PO3 Melvin Garcia, ng Station Investigation Detective Management Section (IDMS), dakong 11:00 a.m. nang maganap ang insidente sa panulukan ng EDSA at Cabrera St.

Nakatayo sa gate ng kanilang bahay ang biktima habang hinihintay ang kanyang mga kaibigan nang mapansin na papalapit sa kanya ang grupo ng kabataan na may edad 14 hanggang 16-anyos.

Paglapit, bumunot ng patalim ang isa sa grupo, sabay tutok sa kanya saka inianunsiyo ang holdap.

Mabilis na isinara ni Patinio ang gate pero isinalya ng suspek saka sinaksak ng dalawang beses sa braso at hita pagkatapos ay tinangay ang kanyang iPhone 5.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …