Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trese 2 taon sex slave ng rapist-Dad

KALABOSO ang isang ama nang isuplong ng tinedyer na anak na ginawa niyang sex slave ng higit dalawang taon sa Caloocan City.

Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng suspek na si Nestor Calip, 50, ng Julian Felipe St., Barangay 8, Caloocan City, dahil sa paulit-ulit na panggagahasa sa kanyang sariling 13-anyos na anak na babae na itinago sa pangalang Gabby.

Nadiskubre ang pambababoy sa biktima nang maaktohan ng ina kaya agad ipinaaresto.

Sa sumbong ng biktima sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Caloocan City Police, sa loob ng dalawang taon, pinagparausan siya ng ama sa sarili nilang bahay kapag pumapasok sa trabaho ang kanyang ina na noon ay panggabi ang duty.

Ayon sa biktima, hindi agad siya nakapagsumbong sa takot na totohanin ng ama ang banta na papatayin sila kapag ipinaalam ang ginagawang kahalayan sa kanya, hanggang mismong ina na niya ang nakasaksi.( ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …