Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bugbog sarado si Binay

00 BANAT alvin

Mukhang matutulad ang kapalaran ni VP Jojo Binay kay dating senador Manny Villar.

Ito ang nakikita nating scenario matapos mabulgar ang P2.3 bilyong parking building sa Makati na kanyang ipinatayo noong siya ay mayor pa lamang ng pinakamayamang lungsod sa bansa.

Maging ang anak niyang sina Mayor Junjun Binay at Senador Nancy Binay ay nadamay na rin sa kontrobersiya dahil ang hinalungkat na rin nina Senador Antonio Trillanes at Alan Cayetano ang budget ng Makati at kung paano ito ginagastos ng mga Binay.

Matindi ang naging imbestigasyon kahapon ng Senado sa usapin na kinasasangkutan ng mga Binay dahil lumalabas na grabe rin ang ginagawang paglustay ng mga ito sa pondo ng Makati gayung marami pa ring nanatiling mahirap sa naturang lungsod.

Malinaw at kitang-kita sa pagsisiyasat ng Senado na maraming dapat ipaliwanag itong mga Binay at iba pang opisyales ng lungsod dahil talaga namang kamangha-mangha ang lumabas na paggasta sa pondo ng Makati.

Sangkatutak na dokumento ang dapat dalin ng mga opisyales ng Makati sa naturang pagsisiyasat dahil bukod sa pag-justify nila sa parking building ay pina-dedetalya na rin ng Senado kung paano at saan nila ginagasta ang pera ng lungsod.

Sa maikling salita, durog sa ngayon ang mga Binay at iyan din ang nangyari kay Villar na kung saan tandang-tanda pa ng lahat kung gaano ito kabango noong 2008 pero ito ay unti-unting nagiba dahil sa galing ng demolition team ng LP.

‘Yan ang dilemma na kinakaharap ng ngayon ni VP BInay at ‘yan din ang dapat niyang sagutin ng detalyado dahil mukhang hindi uubra sa taumbayan ang palagian niyang sinasabi na ang lahat ng ito ay ginagawa sa kanya dahil sa pulitika.

Marami pang mangyayaring kaganapan sa pulitika kaya’t asahan na nating babagsak pa itong si Binay dahil bilang top contender sa presidency ay siya ang target ng lahat ng gustong maging pangulo ng ‘Pinas kagaya na lamang ni Mar Roxas at Alan Cayetano.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …