Friday , December 27 2024

Magaling palang ‘magluto’ ang mga Binay!?

00 Bulabugin jerry yap jsyANO ang bago sa ibinunyag ni Engr. Mario Hechanova, ang dating opisyal ng Makati City Hall na kumalas sa pundiya ni Vice President Jejomar Binay?!

Wala nang bago sa kanyang ‘pagharap’ sa Senado.

Ang amo niya ay si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado na sinabing desmayado sa pagbasura sa kanya ng matandang Binay sa mayoralty race at ang iniupo, ang anak na si Jun-Jun.

Ibig natin sabihin, totoo man ang sinasabi ni Hechanova, pero dahil mayroon silang hindi pagkakaunawaan sa usaping politikal ng mga Binay, humihina tuloy ang basehan ng kanyang pagbubulgar sa sinasabing ‘mahusay’ na pagluluto ng mga Binay sa mga proseso ng ‘bidding’ sa lungsod.

Maging si Senadora Nancy Binay ay nabansagan pang ‘NANCY CAKE GIVER.’

(Sana matikman ko rin ang cake ni Ma’m Nancy)

Dahil siya umano ang gumagawa ng cake na ipinamimigay ng administrasyon ng tatay niya sa Senior Citizens na ipinagpapatuloy ng kanyang kapatid ngayon.

Ano ba ang bago d’yan?

‘E kumbaga, normal naman talaga sa local government units (LGUs) na kung sino ang mga CONTRACTOR na paborito at kausap nila, nagde-deliver at napagkakatiwalaan, sa kanila ini-a-award ang proyekto.

‘Ika nga, plantsado na lahat ‘yan!

Sa totoo lang, wala tayong makitang ‘weakest link’ na magpapatumba sa mga Binay sa mga pagbubunyag na ito.

Naniniwala at bilib ako sa layunin at integridad ni Senador Antonio Trillanes III na malinis ang kanyang layunin sa pag-iimbestiga sa ibinunyag na ‘tongpats’ sa Makati city hall 2 pero mukhang bitin ang ‘resource persons’ na humaharap sa kanila.

Kumbaga sa ‘baril,’ mataas ang ‘kalibre’ ng mga Binay at hindi kayang patumbahin ng mga ‘teka-teka’ lang.

Kaya kung kinikilala ng grupo ni Mercado na mahusay ‘magluto’ ang mga Binay, tiyakin nilang matataas na kalibre rin ang dapat nilang ‘bitbitin.’

HIV PATIENTS NANGANGAMBA SA PAGKABINBIN NG ANTIRETROVIRAL (ARV)

ANO ba talaga ang isyu sa nakabinbin na antiretroviral (ARV) para sa mga pasyanteng may HIV/AIDS?

Sinisisi ng Department of Health (DOH) ang Bureau of Customs (BoC).

Naipit daw ang ARV dahil hindi nakakuha ng clearance sa Bureau of Customs (BoC) at ung hindi ito nai-release kahapon (Setyembre 5), t’yak sa mga susunod na araw ay apektado na nang husto ang mga HIV/AIDS victims dahil wala na silang maire-replenish sa DOH.

Ang tatlong shipments na may kabuuang 8.8 tons ng pharmaceutical products para sa DOH, ay dumating nitong Agosto 2 hanggang Agosto 14 mula sa United Nations Children’s Fund office sa Denmark.

Hindi mailabas sa private warehouse sa Maynila dahil nabigo ang DOH na isumite ang mga dokumento at magbayad ng duties and taxes na nagkakahalaga ng P5 milyon, ayon kay Charo Logarta-Lagamon, hepe ng BoC public information and assistance division.

Dahil dito, naalarma na maging ang “Project Red Ribbon Care Management Foundation Inc.,” ang organisasyon ng mga HIV victims at kanilang supporters.

Sabi ni Health Secretary Enrique Onat ‘este’ Ona, “the DOH is working on the immediate release of the medicine shipment.”

Sabi ni Sec. Ona mayroon daw lalabas na initial batch ng nasabing gamot sa linggong ito, at dalawa pa sa susunod na linggo.

“Currently, enough supply is available for these patients even as DOH awaits the release of those drugs now at Bureau of Customs,” paliwanag ni Ona.

Sa kabila ng mga paliwanag na ito ni Sec. Ona, marami pa rin ang nahihiwagaan kung bakit biglang nagkaproblema sa shipment ng nasabing gamot.

Ikinatwiran pa ng DOH noong una na dahil daw sa shipment congestion sa pier. Pero sinagot sila ni Madam Charo Logarta na hindi sa pier ang shipment nila kundi sa Airport.

Sa ganang atin, dapat linawin ito ng DOH, nasaan ba talaga ang problema?!

Mukhang nasa inyo talaga ang problema!

PAGBATI SA IKA-74 ANIBERSARYO NG BUREAU OF IMMIGRATION

Kahapon Biyernes, Setyembre 05, ipinagdiwang ang ika-74 anibersaryo ng Bureau of Immigration (BI).

Ito rin ang first full year ni Commissioner Siegfred Mison sa kanyang opisyal na pamumuno sa kabuuan ng BI.

Mula sa dating pamumuno ng isang kapwa mula sa military service, nagawang ibalik nang unti-unti ni Commissioner Mison ang tunay na propesyonalismo sa isang civilian office.

‘Yung sinundan niya kasing Commissioner, trinatong tila mga sundalo niya ang mga empleyado sa BI. Pinagagalitan, sinisigawan at pinarurusahan kapag  hindi maganda ang timpla ng kanyang panahon.

Si Commissioner Mison ay mula rin sa military service. West Point graduate siya pero nang pamunuan niya ang BI, mulat siya na ang tanggapan ay isang civilian office.

Unti-unting naibalik ang positive vibes sa Bureau at muling nakita ang sigla sa iba’t ibang tanggapan.

Kung magpapatuloy ang ganitong vibes sa kabuuan ng termino ni Commissioner Mison, tiyak, maraming maa-accomplish ang kanyang pamumuno.

S’yempre sa pakikipagtulungan ‘yan ng officers and officials sa Bureau.

Kudos to the men and women of the Bureau of Immigration!

Congratulations to Commissioner Fred Mison!

Again, happy anniversary!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Atty Joji Alonso Lorna Tolentino Judy Anne Santos Chanda Romero Espantaho

Juday, Chanda, Lorna nagpatalbugan, ilang eksena sa Espantaho makapanindig balahibo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IBANG klase talaga itong si direk Chito Rono. Forte talaga niya …

Coco Martin Julia Montes Topakk

Coco hindi naitago pagkabilib kina Arjo at Julia, Topakk pang-internasyonal

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BILIB na bilib si Coco Martin kay Julia Montes kaya hindi ito napigilang sabihing, …

Offload

Offload direktor na si Rommel Ricafort, saludo sa husay ni Allen Dizon

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY ang ginanap na special screening ng pelikulang Offload sa Gateway Cineplex, Cubao …

Chavit Singson 58 Days ng Milyong-Milyong Pa-Premyo

1-M views sa ikalimang  araw ng Chavit online game show

PUMALO na sa mahigit 1 milyon ang mga tagasubaybay ng ika-5 episode ng 58 Days ng …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *