ANG Tentsile, portable suspended tent na binuo ni UK-based inventor Alex Shirley-Smith, ang nagresolba sa problema sa pagtatayo ng camp sa mabato, maputik o hindi magandang lugar dahil ito ay isasabit sa itaas ng mga punong-kahoy. (http://www.boredpanda.com)
HINDI ito isang work of art o alien structure, ito ay isang tent. Ang Tentsile, portable suspended tent na binuo ni UK-based inventor Alex Shirley-Smith, ang nagresolba sa problema sa pagtatayo ng camp sa mabato, maputik o hindi magandang lugar dahil ito ay isasabit sa itaas ng mga puno.
Bukod sa pag-iwas sa hindi magandang kondisyon, sa treehouse tent ay maiiwasan din ang ground-based bugs, ahas at iba pang mapanganib na mga hayop.
Makatutulong din ito sa pagtanaw mula sa mga punong-kahoy.
“Maybe by encouraging others to enjoy this, we might think twice about cutting them down,” ayon kay Shirley-Smith.
Ang Tentsile ay naisip ni Shirley-Smith noong 2010, at ang
first production model ay inilunsad noon 2013.
Noong Abril sa taon na ito, naglabas ang kompanya ng mas maliit at mas magaan na model.
Ang tents ay maaari ring itayo sa ibaba kung walang punong-kahoy na mapagkakabitan. (http://www.boredpanda.com)