Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diana Zubiri, malakas pa rin ang appeal sa mga barako

090514 Diana Zubiri

ni James Ty III

LABAS na sa mga tindahan ang bagong isyu ng FHM na cover girl ngayong Setyembre si Diana Zubiri.

Seksing-seksi si Diana sa kanyang pictorial na patunay na kahit nag-asawa at nagkaanak na ay hindi pa rin nawawala ang sex appeal lalo na sa mga barako.

Katunayan, hit pa rin si Diana nang rumampa sa victory party ng 100 Sexiest ng FHM noong Hulyo.

Sikat si Diana noon dahil sa mga sexy movies na ginawa niya sa Seiko Films bago siya naging seryosong aktres nang nagbida siya sa isang indie film.

Bukod dito, matagal siyang naging mainstay ng sikat na gag show na Bubble Gang ng GMA bago siya lumipat sa ABS-CBN na gumawa  ng teleserye kasama sina Gerald Anderson at Dawn Zulueta.

Ngayon ay tila tahimik ang career ni Diana dahil sa kanyang buhay-pamilya ngunit dahil nagtapos siya ng kanyang pag-aaral ay puwede naman siyang sumabak sa ibang trabaho.

Bago si Diana ay naging cover girl ng FHM ang dating PBB Housemate na si Beauty Gonzales na biglang sumeksi dahil sa kakaiba niyang diet pagkatapos ng mahabang panahong mataba siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …