ni Roldan Castro
UNFAIR naman na kay Lyca Gairanod lang i-credit ang pagtaas ng ratings ng seryeng Hawak Kamay dahil pinaghirapan ‘yan ng production at ng buong cast sa pangunguna ni Piolo Pascual.
Kumbaga, group effort ‘yan at pati ang mga writer ng show ay nag-iisip talaga kung paano mapagaganda ang story ng Hawak Kamay.
Nagkataon lang na kasama na si Lyca sa show noong huma-highlight na ang istorya ng nasabing serye.
Tumaas ang ratings ng Hawak Kamay dahil lalong gumaganda ang story nito. Idagdag pa ang chemisty ni Piolo sa mga bata plus ang kilig ng love team nina Zaijian Jaranilla at Andrea Brillantes.
Ang Hawak Kamay ay gaya rin ng The Legal Wife na lalong pumick-up ang ratings noong paganda ng paganda ang mga eksena at istorya nito.
Napansin namin na sa mga serye ngayon ay mas tinututukan na ang mga serye dahil sa istorya. Tingnan mo ang Pure Love, wala namang big stars pero click sa mga manonood. Ang Moon of Desire at Ikaw Lamang ay nagkaroon ng book 2 dahil sinundan ang istorya nito.
Malaking factor talaga at nagbibigay ng interes sa mga tao ang bawat istorya ng serye.
Speaking of Hawak Kamay nanalo sila sa Parangal Paulinian 2014 bilang Dramang Pantelebisyon ng taon. Nag-numero uno sa mga nakuhang boto ang Hawak Kamay sa mga mag-aaral ng St. Paul College, Pasig. Napili ang programa dahil sa pagiging kawangis ng mga adhikaing tulad ng layon ng institusyon.
Bongga!