Saturday , November 23 2024

Babala ni Abante: Tagtuyot sa Region 3 dagok sa agri

090514_FRONT

ISANG linggo bago magtapos ang tinaguriang “Farm Month,” nanawagan ngayon ang isang mambabatas upang agad na paghandaan ng kasalukuyang administrasyon ang mga problemang kinakaharap ng sektor ng pagsasaka sa banta ng El Niño o tagtuyot sa bansa.

“Parang kulang pa ang sunod-sunod na dagok ng kalamidad sa atin, nakaamba na naman tumama ang mahaba-habang El Niño na titigang sa ating mga bukid at sakahan,” babala ng dating mambabatas na si Benny M. Abante, Chairman ng Bayan Mamamayan Abante Movement.

Tanong ni Abante, “kung nangapa ang gobyerno sa perang panustos sa importasyon bilang sagot ng pamunuang ito sa pagpaimbabaw ng presyo ng bigas at iba pang produktong agrikultura dahil sa kakulangan ng lokal na suplay nito sa mga pamilihan, saan kaya pupulutin ang bansa kung lumaki nang husto ang pinsala sa ating mga pananim dala ng El Niño?”

Nananawagan si Abante kay dating Senador Kiko Pangilinan, Presidential Adviser on Food Security and Agricultural Modernization na siyang nangangasiwa sa pinamalalaking ahensya sa Agrikultura, na magkaroon ng agarang aksyon sa mga nakaambang panganib sa seguridad ng suplay ng pagkain dala ng nagbabagong klima gaya ng El Niño at natural na kalamidad.

Hindi lang bagyo ang umaaligid at nagbabantang rumagasa sa mga sakahan sa huling bahagi ng kasalukuyang taon.

Ayon sa pagtaya ng PAG-ASA at maging mga eksperto sa klima, nakaambang tumama ang tagtuyot sa bansa dahil sa El Niño phenomenon mula Setyembre at tatagal ang panunuyo ng lupa hanggang sa Abril ng susunod na taon.

“Matuto na tayo. Ang kakulangan sa pagkain, at pagtaas ng presyo nito sa merkado ngayon, ay dulot ng bagyong Santi na tumama sa Ilocos, Cagayan Valley at Central Luzon noong kalagitnaan ng Oktubre ng nakaraang taon,” paalala ni Abante “at hindi lamang bigas kundi pati presyo ng bawang at luya ay nagsipagtaasan.”

Ang El Niño phenomenon ay pagtaas ng temperatura ng karagatan tuwing ikatlo hanggang ikapitong taon at kadalasang nagdadala ng tagtuyot at iba pang kalamidad sa maraming bahagi ng mundo. Kung matuloy ang pananalasa nito, at hindi matutugunan ang pangangailangan sa irigasyon ng ‘cropping cycle’ sa susunod na taon, aabot sa 145 bukirin sa 25 bayan at tatlong lungsod sa Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Bulacan ang namemeligro.

“Nasa kamay ng administrasyon ang preemptive response sa mga ganitong pagkakataon. Kung hindi napaglaanan ng kaukulang budget sa nakaraan, panahon nang ibuhos ang buong kakayanan ng gobyerno upang pondohan ang mga proyektong irigasyon at agarang ituloy ang mga itinigil na pagawaing impraestruktura hinggil dito,” ayon kay Abante.

Sa 24th Gawad Para Sa Pinakatanging Kooperatiba (PITAK) ng Land Bank of the Philippines, sinabi ni Vice President Jejomar Binay na isang “trahedya” ang kabiguan ng sektor ng agrikultura sa pamahalaan dahil “sa laki ng potensyal nitong mag-ambag sa ekonomiya ng bansa at sa milyon-milyon ang umaasa sa pagsasaka bilang kabuhayan.”

Ayon sa datos ng Department of Agriculture, nasa 16.83% o pitong piso ang pagtaas ng presyo ng well milled rice at 18.55% o P6.45 naman ang itinaas ng regular milled rice sa mga pamilihan mula Agosto 2013 hanggang kasalukuyan. Ang presyo ng bawang naman ay umigkas ng halos 300% noong Hunyo mula sa presyo nito isang taon makalipas.

Mananagot sa bayan ang magkikibit-balikat sa mga babalang ito ayon pa sa mambabatas. Sa ganitong mga banta at peligro sa kabuuang kapakanan ng bansa, “hindi sasapat ang matuwid na pangangasiwa lamang, dahil kinakailangan itong balikatin ng aksyong mapagtugon sa hamon ng pagkakataon,” diin ni Abante.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *