Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gilas Pilipinas dapat pa rin ipagmalaki — Palasyo (Kahit talunan)

080614 gilas pilipinas fiba
DAPAT pa ring ipagmalaki ng mga Filipino ang Gilas Pilipinas.

Ito ang panawagan ng Palasyo kahapon sa publiko sa kabila nang sunod-sunod na pagkabigo ng Gilas Pilipinas na masungkit ang panalo mula sa mga kalaban sa ginaganap na FIBA basketball world cup sa Spain.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., kahanga-hanga pa rin ang ipinakitang husay ng Philippine team dahil kahit natalo ay hindi nangulelat sa score sa nakalabang team ng Croatia, Argentina at Puerto Rico.

Lahat aniya ng nakauunawa sa larong basketball ay magsasabing kinulang lang ng swerte ang koponan ng bansa.

Sinabi ni Coloma, dapat pa ring ipagpatuloy ang pagsuporta sa Gilas Pilipinas at ipagmalaki sila dahil sa matapang na pagharap sa kanilang naglalakihang mga kalaban.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …