NANINIWALA si National Park Development Committee (NPDC) executive director Elizabeth Espino na dapat agad ipahinto ng pamahalaan ang konstruksiyon ng kontrobersyal na Torre de Manila condominium na sinasabing makasisira sa sight line ng National Cultural Heritage na Rizal Monument sa Luneta.
Sa pagpapatuloy ng Senate hearing ukol sa maling construction ng Torre de Manila, sinabi ni Executive Director Espino, sa ngayon ay nasa 20th floor na ang construction kaya’t kalahati na lamang ang gagawin.
Dagdag ni Espino, sa kanilang obserbasyon tumataas ng tatlong palapag kada linggo ang construction ng Torre de Manila.
Kaya’t kung hindi agad ito ipahihinto ay matatapos na sa loob lamang ng pitong linggo mula ngayon ang 46-storey building.
Habang sinabi ni Senador Pia Cayetano, tutulungan niyang makipag-ugnayan sa Solicitor General ang mga grupong tumututol sa pagpapatuloy ng construction ng Torre de Manila.
Ito’y upang mapag-aralan kung paanong maipahihinto ang construction sa legal na paraan.
(NIÑO ACLAN/
CYNTHIA MARTIN)