Friday , December 27 2024

BI offloading raket sa NAIA, talamak!

00 Kalampag percyBUGBOG na sa reklamo ang Bureau of Immigration (BI) dahil malimit na gamitin sa katiwalian ang kapangyarihan na mag-offload at mangharang ng mga pasahero na palabas ng bansa.

Ang tingin ng ilang hindoropot na taga-BI sa mga paliparan sa mga papaalis na Pilipino ay mga ATM machine na puwede nilang pasukahain para makunan ng pera.

Nakatanggap tayo ng reklamo mula sa isang guro na naudlot ang pagbabakasyon sa Vietnam dahil tumangging maging biktima ng “offloading syndicate” ng isang Immigration Officer na nakilala sa pangalang CASTRILLO na nakatalaga sa NAIA Terminal 2 noong nakaraang Agosto 26, dakong alas-6:50 ng umaga.

Inimbitahan silang mag-asawa ng kaibigan na nakabase sa Vietnam para magbakasayon at pinakuha pa sila ng visa kaya laking gulat niya nang bigla siyang pigilan na makasakay ng PAL flight ng isang immigration officer.

Mistula aniyang interogasyon na trato sa isang kriminal ang naranasan niya sa walang modong Immigration officer na pinagdudahan siyang magtatrabaho ng illegal sa Vietnam kaya pinigilan na makaalis.

Basahin po natin ang bahagi ng kanyang hinaing:

“Halos nerbiyusin ako na pakiramdam ko may mali sa ginwa ko kaya nila ako ini-interview. Bakt kapag me timbre, bilis no question at all, go. Napakadaling sabihn na,” Ma’am offload po ikaw, kasi po kailangan ng mga requirements na wala ka. Period! Hindi eh, ultimo ticket at pera, saan ko kinuha at ang way of talking kahit mahina, pa-ngungutya.”

Ka Percy, ang nasilip ko, bakit may mga nagbabayad ng fee para di na sitahin? Ako na talagang may pupuntahan, eh akala mo mamamatay tao ako sa mga tanong. Tapos po, ask ko siya ano kasalanan ko tumayo siya at umirap kaya text ko na po asawa ko para ipaalam na ‘WAIT MO AKO OFFLOADED AKO.’

‘Pag balik ulit ng nag-i-interview sa akin, aniya, ‘Oy sino ‘yang tinetxt mo?’ Ang mukha dikit ang kilay at irap. Kaya pakiramdam ko po masama akong tao dun. Lahat po ng immgration officer na naka usap ng mga kaibigan ko dami daldal, pero sa dulo ng usapan 75k ang ask nila.”

Aba’y kung si PNoy ay itinuturing na kanyang boss si Juan dela Cruz, itong may alyas na “Castrillo” ay busabos ang turing sa mga mamamayan na nagpapasuweldo sa kanya.

BUWAGIN ANG SINDIKATO NG BI SA NAIA, NOW NA!

KUNG tutuusin ay walang nakasaad sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 na nagbibi-gay ng kapangyarihan sa BI na mag-offload ng mga pasahero, kahit sa Implementing Rules and Regulations ng batas.

Ang pag-offload ng pasahero palabas ng bansa ay ministerial duty ng kawanihan na da-pat ipatupad ng walang panghuhusga.

Ibig sabihin, batay ito sa kongkretong basehan at hindi ayon sa nararamdaman niya sa sitwasyon, gaya nang pagpigil na makabiyahe ang isang pasahero kapag peke o invalid ang kanyang pasaporte, batay sa DFA list, o kung wala siyang dala na mga kaukulang dokumento, alin-sunod sa batas para makapagbiyahe.

Ang malimit na ikatuwiran nila para mag-offload ng pasahero ay ang hindi nakabatay sa batas na inisyu ng BI na MEMORANDUM ORDER RADJR NO.-2011- 011 , partikular ang mga probisyon ng Section 4(A)(iv): ”All TCEU officers and members, in accordance with the AOD organizational structure, shall perform the following duties and functions: During Departures, TCEU officers and members are duty-bound to: Offload passengers with fraudulent travel documents, doubtful purpose of travel, including possible victims of human trafficking.”

Kung base lang sa duda o suspetsa ng immigration officer na kahina-hinala ang pakay nang pagbibiyahe ng isang pasahero o maaari siyang maging biktima ng human trafficking, ito’y panghuhusga ng walang basehan at hindi ayon sa ministerial duty ng kawanihan.

Walang kumukuwestiyon o nag-iimbestiga sa Kongreso sa matagal nang pang-aabuso ng BI sa kanilang kuwestiyonableng kapangyarihan at paglabag sa karapatan ng mamamayan na ginagarantiyahan sa Bill of Rights ng ating Saligang Batas.

“KATAPAT” PINAGTITIWALAAN NG MGA PINOY SA ABROAD

HANGGANG Amerika ay laganap ang ating programang KATAPAT sa DWBL 1242 kHz na sabayang napapakinggan via ustream.tv/channel/katapat, Lunes hanggang Biyernes, alas-11 ng gabi hanggang alas-12 ng hatinggabi Ayon kay G. Bal ng New Jersey, USA:

“Dear Percy & Katapat,

Pagsaluhan n’yo ang mumunting regalo ko para sa inyo. Ito’y isang pasasalamat sa inyong walang patlang sa pagiging tenga, bibig, mata, isip at puso sa mga nangyari, nangyayari at mangyayari sa ating panahon sa ating bayan. Bibihira na kase ang mga manunulat at brodkaster natin na tama ang inilalahad. Hinde showbiz ang dating, at bayad ang airtime thru sponsors. Minsan nga natanong ko sa sarili ko, saan kaya kumukuha ng ng pondo ang Katapat para magbrodkast? Kase walang interruption ang program para isingit ang mga sponsors. ‘Inde kaya kay Dolphy and Mayor Lim? Kase sila lang ang narinig kong nag-i-interrupt sa program n’yo. Biro lang. Sa aking pananaw, kayo ay parang mga halaman na dapat pa tulungan yumabong. Kaya sana ay maging inspirasyon sa inyo na maraming nakikinig sa Katapat kahit anong time zone kayo ilagay, kahit pa alas-3 ng madaling araw ito! Pag ang tao ay naghahanap ng tama, kahit saan, kahit kailan ito’y kanyang hahana-pin. Tulad ng pandak na si Zaqueo na umakyat ng puno para marinig at Makita ang nagsasabi ng totoo. Kahit sino siguro ang ilagay sa program, basta tama, papakinggan yan ng tao. Nagkataon na kayo iyon, sa ating panahon. Sana ay merong magpatuloy ng inyong gawa, dahil ito ay kailangan ng susunod na henerasyon. Sana, mabasa mo ito sa program natin para maging halimbawa sa mga iba pang umaasa na may pagbabago. Salamat at magandang yumaga… KATAPAT!”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Atty Joji Alonso Lorna Tolentino Judy Anne Santos Chanda Romero Espantaho

Juday, Chanda, Lorna nagpatalbugan, ilang eksena sa Espantaho makapanindig balahibo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IBANG klase talaga itong si direk Chito Rono. Forte talaga niya …

Coco Martin Julia Montes Topakk

Coco hindi naitago pagkabilib kina Arjo at Julia, Topakk pang-internasyonal

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BILIB na bilib si Coco Martin kay Julia Montes kaya hindi ito napigilang sabihing, …

Offload

Offload direktor na si Rommel Ricafort, saludo sa husay ni Allen Dizon

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY ang ginanap na special screening ng pelikulang Offload sa Gateway Cineplex, Cubao …

Chavit Singson 58 Days ng Milyong-Milyong Pa-Premyo

1-M views sa ikalimang  araw ng Chavit online game show

PUMALO na sa mahigit 1 milyon ang mga tagasubaybay ng ika-5 episode ng 58 Days ng …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *