Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng shui environmental anchors

00 fengshui

NANINIWALA ka bang ang iyong iniisip ang bumubuo ng iyong reyalidad? Isang paraan upang mapanatiling positibo ang iyong iniisip ay sa pamamagitan ng paggamit ng environmental anchors – bagay na magpapaalala sa iyong adhikain at magbibigay sa iyo ng positibong pakiramdam kapag nakikita ito.

Ang environmental anchors ay maaaring traditional Feng Shui remedies, katulad ng crystals, wind chimes o water elements, o simpleng bagay na may partikular na halaga sa iyo at sa iyong career.

Narito ang ilang halimbawa ng environmental anchors na maaari mong gamitin para sa mas mainam na career Feng Shui:

*College diploma o sertipikasyon – Ang pagsasabit ng mga ito sa career area ang magpapaalala sa iyong nakaraang accomplishments at sa halaga ng iyong sarili.

*Trophies, awards – Sa paglalagay ng mga ito sa fame and recognition o Feng Shui career trigram ng Ba Gua, magiging mainam ang iyong pakiramdam kaugnay sa iyong nakaraang accomplishments. Kung mabuti ang ating pakiramdam sa ating nakaraan, mas marami tayong magagawa sa hinaharap.

*Larawan ng pera o inspirational photo kaugnay sa yaman. Naghahangad ang pera o yaman ang mga tao dahil nakabibili ito ng magagandang bagay at nagdudulot ng katatagan. Ang yaman ay hindi ang pinakamahalaga sa lahat, ngunit kasunod ng kalusugan, ito ay mahalagang aspeto ng pamumuhay nang matagumpay at pagiging kuntento sa buhay. Kung ang mga larawan o pag-iisip kaugnay sa pera ang magpapabuti sa iyong pakiramdam, palakasin ang wealth corner ng Feng Shui Ba Gua sa pamamagitan ng money symbols.

*Larawan ng mga tao na iyong hinahangaan. Isipin ang mga taong ito sa pamamagitan ng kanilang larawan, at ikaw ay magbubuo ng “energy match” sa kanila. Maging bukas sa mga oportunidad na sila ay makaharap at makilala.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …