ni Ronnie Carrasco III
KILALANG pinaghalong malikhain at malikot kung mag-isip tayong mga Pinoy, and we believe that this only defines our race being a fun-loving people.
Tulad na lang sa usaping tambalan sa 2016 presidential elections, nariyan si VP Jejomar Binay bilang panabong ng oposisyon sa pagkapangulo na sinasabing si DILG Mar Roxas ng Liberal Party ang ka-tandem.
While all these talks are floating around, pag-atras naman ang panawagan ni Senator Miriam Defensor-Santiago kay Pangulong Noynoy Aquino na bagamat wala sa kanyang agenda ang pagpapalawig pa sa kanyang six-year term is sending a vague signal by saying depende raw kung ano ang kagustuhan ng kanyang mga “boss,” referring to us.
Dito na pumapasok ang sinasabi naming “creative naughtiness” o “naughty ingenuity” ng marami sa atin. Tiyak daw na mas magiging shoo-in ang tambalan ni Senator Grace Poe at dating Senator Fracis “Kiko” Pangilinan, na ngayo’y inatasang tumutok sa national food security.
At ang tawag sa kanilang tandem: POEKIKO.
KOREANOVELA, MAKAPAL AT MALAPOT ANG KUWENTO
KAPANSIN-PANSING all these years ay namamayagpag sa ere ang mga Tagalized Koreanovelas, para silang three square meals a day.
Tanong lang: marami rin ba sa ating mga locally made teleseryes o telenovelas have invaded our Asian neighbor?
A self-confessed Koreanovela fan, we find their culture no different from ours lalong-lalo na pagdating sa mga family value. OA man kadalasan ang acting ng ilan nilang mga artista, as if naman we don’t find it here either.
Ang maganda kasi sa mga Koreanovela, makapal at malapot ang kuwento unlike most of our teleplays whose creative minds behind them need some serious artistic overhauling.