Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BB, ‘di kayang magkaanak o makabuntis!

090414 bb gandanghari

ni Rommel Placente

AYON kay BB Gandanghari, tanggap na tanggap na ng kanyang ina na si Mommy Eva Carino na siya na ngayon ay si BB na isang transgender at hindi na si Rustom Padilla na isang lalaki.

“Maganda ang relationship namin ni mama ngayon. Ini-explain ko sa kanya kung ano ‘yung transgender. Sabi ko sa kanya,’Ma hindi ako gay?;’ ‘Eh, ano ka ,” natatawang sabi ni BB nang makausap namin siya sa taping ng Talentadong Pinoy 2014.

“Ini-explain ko sa kanya kung bakit ako nagdadamit-babae at unti-unti naman niyang naiintindihan. Dati sinasabi niya, ‘Bakit kailangan ka pang magdamit-babae?’ Na parang ang gusto niya, gay na lang at hindi na kailangan na magdamit babae pa.

“Then I have to explain why. Sabi ko sa kanya, hindi ako nagdadamit-babae dahil gusto ko lang kasi babae ako kaya kailangan kong magdamit ng ganito.”

‘Yung pagiging transgender ba niya ay pwedeng mauwi sa pagiging transsexual?

“May posibilidad,” sagot ni BB.

“Pero alam mo kasi, ‘pag tinanggap mo na ‘yung pinagdaanan mo bilang transgender, hindi na ganoon kaimportante kung aabot ka pa sa puntong ‘yun.

“Eh, paano kung makatagpo naman ako ng lalaki na tatanggapin ‘yung ganito lang ako? So, hindi na siya essential.

“Hindi ko na kailangang maging transsexual dahil alam ko naman na ang pagkababae ko ay nasa puso,” natatawang sabi pa ni BB.

May mga bading na gusto ring magkaanak o may mga anak dahil ayaw nilang tumandang mag-isa at gusto nilang may makasama sa kanilang pagtanda na nanggaling mismo sa kanilang dugo at laman. Siya ba ay posible ring magkaanak o makabuntis?

“Naku, hindi ko ini-entertain ‘yung ganyang thought. Hindi ko yata kaya ‘yung ganoon. Huwag na nating gawing komplikado ang mga bagay-bagay,”tawa na naman ni BB.

“Hindi ako sa ganyan eh. Parang feeling ko talaga babae ako kaya hindi ko magagawang makabuntis.”

Pero pinakasalan niya rati si Carmina Villaroel at siyempre gusto niyang magkaroon ng anak dati rito?

“Eh kasi lalaki ‘yun eh, si Rustom ‘yung nagpakasal kay Carmina. Huwag na nating kuwestiyonin ang mga motibo ni Rustom noong araw pero patay na si Rustom, huwag na nating buhayin ang patay na,” natatawang pagtatapos pa ni BB.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …