HINDI pa pala tumatapat ang Sunday noontime show ng GMA-7 sa kalaban. Kung 12:00 p.m.. nag-uumpisa ang ASAP, 1:00 p.m. naman ang Sunday All Stars. Bakit kaya?
Imbes tuloy na maglaban ng pagandahan ng show, natyope ang isa.
Akala ko ba nakadagdag-sigla ang pagpasok ng magpinsang Mark at Christian Bautista sa Siete? Pati ang anak ni Benjie Paras na si Andrei, nasa SAS na rin. Pero hindi ito marunong kumanta. Kaya paano ito tatanyag? Pang-pelikula lang siya!
Mahirap makahirit ang SAS sa ASAP dahil mas mayroong star power ang huli. Mayroon silang Martin Nievera at Gary Valenciano. Idagdag pa sina Zsa Zsa Padilla at Kuh Ledesma. At ‘yung mga young singer sa kanila gaya nina Jed Madela, Erik Santos, Angeline Quinto at iba pa.
Ang pwede lang ipagmalaki ng SAS ay sina Regine Velasquez at Jaya. Kung tutuusin, palaos na si Jaya. Wala na si Ogie Alcasid at si Janno Gibbs nga lang ang natira, na habang lumalaon ay tila pumapanget ang boses! Dapat siguro, magdiskubre pa ng magagaling na singers ang SAS at huwag sobrang tipid, walang production value, ‘di ba?