Saturday , June 1 2024

Binays hinamon vs ‘lie detector test’ (Sa tongpats sa Makati)

090414_FRONT

HINAMON ngayon ni Atty. Renato Bondal si Vice President Jejomar Binay at ang kanyang mga kapamilyang politiko na sumailalim sa “lie detector test” para patunayang wala silang ibinulsang pera sa P2-bilyong tongpats sa Makati Parking Building.

Sinabi ni Bondal, nakahanda siyang harapin sa “lie detector challenge” ang pamilya Binay para malaman ng taong bayan kung sino ang nagsasabi nang totoo at sino ang nagsisinungaling sa isyu ng Parking Building.

“Para magkaalaman kung sino ang nagsisinungaling, hinahamon ko si VP Binay sa lie detector challenge sampu ng kanyang pamilya. Kung hindi niya tatanggapin ang hamon ko, patunay lang ito na may itinatagong katiwalian ang kanilang pamilya,” ani Bondal.

Isa si Bondal sa mga residente ng Makati na nagsampa ng kasong plunder sa Ombudsman laban kay Vice President Binay, Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay at ibang opisyales ng Makati kaugnay ng overpricing sa Parking Building.

Ayon kay Bondal, malinaw nang naipakita sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Sub-Committe ang garapalang overpricing na ginawa ng pamilya Binay sa pagpapatayo ng Makati Parking Building.

“Malinawag pa sa sikat ng araw na may tongpats sa Parking Building. Nagiba na ang lahat ng depensa ng mga Binay dahil naipakita sa inspeksyon na hindi ito world-class at hindi rin green building tulad ng ipinagmamalaki ng mga Binay,” ani Bondal.

“Wala nang idadahilan si VP Binay kaya takot siyang humarap sa imbestigasyon ng Senado. Siguradong mahuhuli ang kanyang pagsisinungaling ‘under oath,’” dagdag ng abogado.

Kung takot si Binay na humarap sa Senado, kailangan umanong patunayan niya sa “lie detector test” na hindi totoo ang mga akusasyon laban sa kanya.

Ayon kay Bondal, isa sa mga dapat harapin ni Binay ang akusasyon na kumita siya nang malaking halaga mula sa tong-pats ng kontrobersiyal na Makati Parking Building.

Nagmula ang akusasyon kay dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado na umaming P1.2 bilyon lamang ang halaga ng Parking Building at hindi P2.7 bilyon tulad ng sinasabi ng pamilya Binay.

Si Mercado ay nagsilbing Vice Mayor ng Makati noong Mayor pa lamang ng siyudad si Vice President Binay.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, inamin ni Mercado na personal siyang nakinabang sa tongpats mula sa implementasyon ng Phase I at Phase II ng Makati Parking Building.

“Kung ang Vice Mayor ay nakinabang, lalo na po ang Mayor. Imposibleng hindi nakinabang ang Mayor,” ani Mercado.

“Iyan po ang kalakaran sa Makati,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Mercado na nagulat siya nang malaman niya mula sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na umabot na sa P2.7-bilyon ang pondong inilaan ng Makati City Government para sa pagpapatayo ng Parking Building.

Sa kanyang pagkakaalam, ani Mercado, hindi lalampas sa P1.2 bilyon ang pondong gugugulin para matapos ang pagpapatayo ng Parking Building.

“Sa presyong ito, tapos na dapat ang building at kasama na dapat dito ang bayad sa arkitekto at fixtures,” paliwanag ni Mercado.

“Kaya nga na-shock ako nang malaman ko na lumobo na ang presyo ng Parking Building sa P2.7 bilyon,” dagdag niya.

Inamin ni Mercado na matalik silang magkaibigan ni Vice President Binay at parang magkapatid na ang turingan nila.

“Prinsipyo ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay. Bayan na ang nakasasalalay dito at walang politika rito,” diin niya.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Bagong CAA-C Health Center binuksan na ng Las Piñas LGU

Bagong CAA-C Health Center binuksan na ng Las Piñas LGU

BINUKSAN na ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas sa pangunguna ni Vice Mayor April Aguilar …

Anne Curtis

Anne nag-react sa resulta ng botohan sa Divorce Bill

HINDI nakapagpigil si Anne Curtis na maghayag ng saloobin sa inilabas na resulta ng botohan sa usaping …

Eddie Garcia

Eddie Garcia law nilagdaan na ni PBBM: Mas pabor nga ba sa mga network at producer kaysa mga manggagawa?

HATAWANni Ed de Leon INAPRUBAHAN na ni PBBM ang Eddie Garcia law na naglalayong mabigyan ng proteksiyon ang mga …

Farmer bukid Agri

Magsasakang Pinoy may “Bagong Pagasa” sa pagsasabatas ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act

NAGPAHAYAG ng pasasalamat ang grupo ng mga magsasakang Filipino nang ratipikahan ng Senado at Kongreso …

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
7 TULAK, 4 PUGANTE, 3 SUGAROL TIKLO

SA MULING pagsasagawa ng operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nasakote ang pitong hinihinalang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *