NANAWAGAN ang Department of Health (DoH) sa mga pasahero na nakasabay ng dalawang nurse mula Saudia Arabia, na magpasuri kung positibo sa Middle East Respiratory Syndrome-Corona virus (MERS-COV).
Ginawa ni Health Secretary Enrique Ona ang panawagan kasunod ng pagkompirma na isang babaeng nurse na MERS-COV virus carrier ang dumating sa bansa.
Habang ang isa na nagnegatibo sa swab test ay inilagay sa isolation sa Lung Center.
Maging ang pamilya ng nurse ay nagnegatibo rin batay sa throat swab result na inilabas kahapon ng umaga.
Ang isa pang kasama na carrier ng MERS-COV ay umuwi ng General Santos City sakay ng Cebu Pacific at makaraan i-quarantine ay inilipat kahapon sa Davao City at ngayon ay naka-isolation sa Southern Philippines Medical Center.
Nananawagan ang DoH sa mga nakasalamuha at sa mga pasahero ng Saudia Airlines flight SV870 na umaabot sa 249, at sa Cebu Pacific flight SJ997 na may 143 passengers, na magpa-test upang matiyak ang kanilang kalagayan.