NABABAHALA ang ang Chinese-Filipino community dahil sa tumataas na insidente ng kidnap-for-ransom.
Ito ang pag-amin kahapon ni Tessie Ang-See ng Movement for Restoration of Peace and Order, ang grupo ng mga kaanak ng kidnap victims, kasunod ng mga post sa social media at text blast ukol sa mga pagdukot.
Ibinahagi ni Ang-See na nitong Agosto 27, isang 69-anyos retiradong factory owner ang dinukot at pinatay habang pauwi mula sa pagbisita sa pabrika.
“Hindi pa nakaka-react ang kanyang family or ang mga kapulisan bigla na lang napatay,” ani Ang-See.
“These are things that need deeper investigation. Kasi talagang panic mode to tell you frankly, panic mode ang Chinoy community dahil hindi isolated case, na sunod-sunod ‘yung kidnapping.”
Bagama’t mahigpit aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa anti-kidnapping task force, naniniwala ang grupo na ‘call for action’ sa mga pulis ang nangyaring ito.