Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DK Valdez, freelancer pa rin

090314 DK Valdez

ni Timmy Basil

YES, you read it right. Freelancer pa rin ang international singer na si DK Valdez. Hindi na pala magpapa-manage ang international singer na si DK sa bagong manager na si Jackie Dayoha.

Actually, wala naman talagang pirmahang naganap, usapan sa telepono at social media lang ang naganap dahil habang pinag-uusapan nila ang mga bagay na ito ay nasa US noon si Jackie.

Nang umuwi ng ‘Pinas ay isang araw lang yata ang itinagal ni Jackie sa Pilipinas at biglang lumipad ng Japan dahil may mga negosyo rin siya roon.

Balisang-balisa si DK dahil may mga bagay-bagay na dapat pagdesisyonan nila ni Jackie, lalo na ang mga pumapasok na shows sa kanya sa Europe at ang bagong album niyang ilalabas.

Namutawi pa rin ang pagiging Christian ni DK at kahit hindi pa sila nagkapirmahan ni Jackie ay nagpaalam pa rin ito sa kanya na hindi na siya magpapa-manage kay Jackie dahil nga may bagay-bagay na kailangang ng agarang desisyon pero palaging out of the country ito.

Kung sabagay, ‘di naman kailangan ng manager ni DK, kilala naman siya at siya naman ang personal na nilalapitan ng mga promoter na bilib sa kanyang kakayahan.

Samantala, nominado ang music video ni DK na Tatanggapin Pa Ba Kita sa 6th PMPC Star Awards For Music na gaganapin sa Solaire Grand Ballroom sa September 14.

By that time, nasa bansa pa si DK at tiyak a-attend siya sa awards night .

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …