Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alonzo, susunod na child wonder after Niño

090214 Alonzo Niño Muhlach

ni Roldan Castro

NOONG birthday party namin ay dumalo ang mag-amang Nino Muhlach at ang kanyang mag-ina na sina Ms. Dianne at si Alonzo.

Pinagmamasdan talaga namin si Alonzo, carbon copy talaga ni Onin. Ramdam namin na si Alonzo ang magmamana ng pagiging child wonder ni Nino mula nang mapanood namin sa PBB All In.

Okey lang kay Nino ang pagso-showbiz ng anak.

“Para naman sa kanya iyon, eh. Kung saka-sakaling mabigyan siya ng magandang breaks, para sa kinabukasan din naman niya iyon. Kasi I will make sure na kung ano ang ginawa sa akin ng daddy ko, ganoon din ang gagawin ko sa kanya. Na kung anong kinikita niya, talagang kanya lang at ilalagay ko sa trust fund,” deklara ni Nino.

Hindi nga naman nilustay ng tatay ni Nino ang mga kinita niya noong bata siya. Napagpatayo pa siya ng El Nino Apartelle na hanggang ngayon ay napakikinabangan pa rin niya ang nasabing building.

Tatlo ngayon ang pelikulang ginagawa ni Alonzo. Dalawa ang filmfest movie  niya. Isa na rito ‘yung kay Vic Sotto na My Big Bossing’s Adventures with Ryzza Mae. Si Alonzo ang ipinalit kay Bimby. Join din siya sa filmfest movie ng ninong niyang si Dingdong Dantes na Kubot: Aswang Chronicle-2. Kasama rin siya sa pelikula nina John Lloyd Cruz, Gretchen Barretto, Richard Gomez, Enrique Gil, at Jessy Mendiola na Almost A Love Story ng Star Cinema.

Okey lang kay Onin na tuksuhin na stage father.

“Kapag anak mo pala talaga, talagang hindi maiiwasan iyong ganoon, eh. Pero hindi naman ako iyong tipong magbabantay sa set, alam mo iyon? Although ngayon, hinahanap pa ako ni Alonzo at hindi niya kayang mag-shooting na wala ako. Kasi sa akin siya nagpapaturo, hindi siya nakikinig sa iba, eh.

“So kapag may shooting siya, kasama ako dahil ako ang nagtuturo sa kanya,” sambit pa ni Nino.

Isa kasi sa itinuturo ngayon ni Onin ay ang pagta-Tagalog ni Alonzo dahil Inglisero ito. Hindi naman kasi akalain ni Nino na magiging artista ang anak niya.

Kahit naman si Onin ay hindi pa rin pinababayaan ang showbiz career. Katunayan kasama rin siya sa pelikulang Mara na kasama sina Isabelle Daza, Paulo Avelino, at Jasmine Curtis-Smith. Join din siya sa My Big Bossing’s Adventures. Kapipirma lang niya ng kontrata kay Dondon Monteverde bilang bagong manager.

Tsuk!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …