The way of a fool is right in his own eyes, But, a wise man is he who listens to counsel. –Proverbs 12:15
MAKIKINIG rin sa wakas ang dating Pangulong Erap sa hinaing ng mga kawawang vendors sa Blumentritt.
Mismong ang dating Pangulo umano ang magtutungo sa Blumentritt area upang mapa-kinggan ang karaingan nila, laban sa usapin ng pagpapatupad ng organized vending sa mataong lugar ng Blumentritt.
O ‘yun naman pala, maka-mahirap pa rin si Erap!
***
ANG dialogue na gagawin sa darating na Miyerkoles, Setyembre 3, ay personal na ipinaabot mismo ni Rafael ‘Che’ Borromeo, chairman ng task force on organized vending sa mga vendors kahapon.
Nabigla pa ang vendors sa pagdating ni Borromeo sa kanilang lugar dahil sa pag-aakalang sisimulan na nito ang banta na ipatupad ang zero vendors policy na kanyang sinabi noong Miyerkules, Agosto 27, sa isang pulong sa Bulwagang Villegas ng Manila City hall, makaraang hindi magkasundo sa pagpupulong.
Susme, ‘yun pala ay magpapadala lang ng surrenders feelers! Ehek!
***
KAYA malaking pasasalamat ng mga Samahan ng Manininda sa Blumentritt sa inyong Lingkod na maipaabot ang totoong isyu sa kanilang hanay. Ganoon rin ang pasasalamat nila sa dating Pangulong Erap, hindi man sila hinarap sa unang pulong ay nagpakumbaba na malaman ang katotohanan sa likod ng organized vending policy na nais ni Borromeo.
Dahil reklamo nila super arogante at bastos daw humarap sa vendors si Borromeo. Hindi marunong makipag-usap, kaya ang napupulaan ang dating Pangulong Erap.
Swak talaga ang kasabihang, hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay!
LECTHE NA SINUNGALING PA!
KAHAPON ay nag-usisa pa umano si Borromeo, makaraang mapansin, kung bakit, iilang vendors na lamang ang nagtinda sa Blumentritt.
Nang sabihin ng mga vendor, ito’y dahil sa kanyang pagbabanta sa pulong na may magaganap na panghuhuli, kaya hindi na naglatag ng kanilang mga paninda kahapon ang maraming vendors. Kung sa pulong ay sobrang hambog ni Borromeo aba, ngayon ay laban-bawi siya at wala raw siyang sinabing ganon!
Aysus!
***
NAKU, mga kabarangay ang sinungaling talaga ay kapatid ng magnanakaw, samantalang sa harap ng pulong ng nakaraang Linggo ay si-nabi niya na zero vendors na ang gagawin sa Blumentritt, simula Lunes.
Nagalit kasi si Borromeo sa pahayag ng vendors sa pulong, samantala ang reklamo lamang nila ay makipag-negosasyon na sana ay babaan ang singil na P160.00 kada araw sa kanilang hanay.
MALAKING KAWALAN SA KABAN ANG BLUMENTRITT
PERO hindi ba’t tama ako mga kabarangay, hindi magagawa ng city hall na magpatupad ng zero vendors sa lugar ng Blumentritt, malaking kawalan ito sa bulsa este sa kaban ng city hall.
Umaabot sa P4.8M kada buwan ang makokolekta ng Lungsod kung ang singilan gagawin sa may 1,000 vendors ay P160.00 kada araw.
Aba, para silang nagtampo sa grasya!
***
AT kung mula ngayong Setyembre ipatutupad ang singilan, P160.00, hanggang Disyembre 2014, aba, tatabo sila ng P19.2M sa loob lamang ng apat na buwan!
Susme, malaking kuwarta ito, bawing-bawi na ang sinasabi nilang pribadong sektor na mamumuhunan sa pagtatayo ng tent fence
T’yak si “Eddie” may parte dyan!
***
SA gana ng inyong Lingkod, hindi na dapat ipahawak at ipamahala pa kay Borromeo ang pangangasiwa sa mga vendors, sibakin na da-pat ‘yan! dahil sukang-suka na ang mga vendors sa magaspang at bastos na asal nito sa kanila.
Hindi siya magandang makitungo sa mga vendors, gayong silang mga mahihirap ang palaging takbuhan ng mga politikong ginagamit ang kanilang hanay tuwing eleksyon.
Kung si Erap ay para sa mahirap si Che ay anti-poor! Pwee!
KRIMEN SA MAYNILA, PALALA NANG PALALA!
PATULOY na problema pa rin sa Maynila ang peace and order. Laganap ang nakawan, holdapan na kung minsan ay nagaganap ilang metro lamang ang layo mula sa Manila City hall.
Nitong hatinggabi ng Sabado, napatay at nabaril ng riding in tandem na naman ang ating kabarangay na si Barangay Chairman Rodrigo “Rody” Cruz ng Brgy 209 Zone 19 sa Blumentritt area. Si Kapitan Cruz ang may-ari ng Funenaria Cruz sa Rizal Avenue.
Nakikiramay tayo sa pamilyang Cruz!
***
SANA naman ay hindi politika ang dahilan ng pagkakapaslang kay Chairman Cruz. Kilala kasing malapit siya kay Mayor Lim at minsan nang napag-initan ng city hall dahil sa isyu ng vendors.
Anopaman, dapat kumilos ang pulisya, patuloy ang krimen sa lansangan, sanhi ng kawalan ng police visibility.
Hindi sana natutulog sa pansitan si MPD Director Rolando Asuncion! Aksyon, Gene-ral!
Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes
Chairwoman Ligaya V. Santos