Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Talamak na pergalan sa Cavite

00 firing line robert roque

ANG perya ay tradis-yon o kostumbre na sa ating bansa noong wala pa ang mga entertainment center na tulad ng Star City at Boom na Boom na parehong nasa Roxas Boulevard sa Pasay City.

Kadalasang makikita ang perya kapag piyesta sa isang bayan. May rides dito, katulad ng Ferris Wheel at Horror Train, at may bingguhan din.

Ito rin ang tinatawag sa English na “mini fair” na binibigyan ng munisipyo o siyudad ng lisensiya para mag-operate. May insurance rin ang rides nito. Dahil may kaukulang permit, nagbabayad ito ng amusement tax sa gobyerno kaya hindi naman ipinagbabawal.

Magiging bawal lang ang perya kung sasamahan ito ng mga tagapangasiwa ng mga ipinagbabawal na sugal, tulad ng “drop balls” at “color games”. Ang ganitong uri ng mini fair ay binansagang “Pergalan”—o kumbinasyon ng perya at sugalan.

Dahil sa pagiging ilegal at malaking kinikita sa pergalan, may lingguhang lagay ang mga may-ari nito sa iba’t ibang sangay ng pulisya.

Ayon sa aking mga espiya, ilang pergalan ang nakapuwesto sa Cavite. Isa rito ay mata-tagpuan sa tabi ng isang fast food chain sa Bacoor-Zapote at pag-aari ng isang “Emily”.

Mayroon ding isang puwesto sa EPZA sa Rosario na pinatatakbo naman ng isang “Egay”.

Isang alyas “Jessica” naman ang may pergalan sa may palengke ng Tanza, samantalang itong si Baby Panganiban ang nakapuwesto sa GMA, Cavite.

Mayroong “puesto piho” rin si alyas Tessie Rosales sa palengke ng Silang, Cavite.

Itong si Tessie umano ang tinaguriang “Reyna ng Pergalan” dahil hindi lang sa Cavite ang puwesto niya. Nakaabot na rin ang Reyna sa Batangas at Quezon.

Kaya raw nagsusulputan na parang kabute ang mga pergalan, bukod sa iba pang klase ng mga sugal tulad ng lotteng at sakla, ay dahil umiikot ang isang “Landong Bulag” para kay “Sarhento Marlon” upang mangolekta ng “tong.”

Alam kaya ito ni Senior Superintendent Joselito T. Esquivel Jr., Cavite PNP director?

May ginagawa ba ang mga hepe ng pulis sa Bacoor, Rosario, Tanza, GMA at Silang?

Abangan ang susunod na kolum sa Huwebes!.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …