ANG dining room o kitchen table ay direktang iniuugnay sa kasaganaan sa buhay, gayundin sa ating kalusugan. Ang nakalatag na pagkain ay kumakatawan sa pagkakaroon natin ng sapat na sustansya (yaman), at sa healthy foods ay nagiging maganda ang ating pakiramdam, at nabibigyan tayo ng enerhiya para matamo ang ating mga hangarin.
Ito ang dahilan kung bakit mahalagang magkaroon ng mesa na kumakatawan sa good Feng Shui. Gayundin, ang comfortable dining table ay nakahihikayat ng pagiging malapit sa isa’t isa ng mga miyembro ng pamilya at sa pagkakaroon ng mainam na talakayan ng pamilya at maging sa social engagements.
Kung plano mong bumili ng bagong mesa, sundin ang tips na ito para sa Feng Shui table upang makatulong sa paglago ng inyong income at mahikayat ang family bonding.
*Tiyaking kasya ang mesa sa room. Ang Feng Shui table ay dapat may sapat na lugar upang makakilos ang mga tao sa paligid nito nang hindi nasisikipan o hahakbang sa mga silya.
*Ang Feng Shui table ay dapat na walang sharp corners, na maaaring makahadlang sa panunaw at kalusugan. Ang pinakamainam na hugis para sa dining room or kitchen table ay bilog o octagon, dahil ang mga hugis na ito ay walang simula at walang katapusan. Ito ay magsusulong ng pagkakapantay-pantay sa pamilya, o kung sa get-together at dinner parties, ay magiging komportable ang bawat isa. Mainam din ang oval table.
*Lagyan ng dekorasyon ang mesa ng sariwang frutas at bagong pitas na mga bulaklak. Ang sariwang mga bulaklak ay naghahatid ng living chi sa espasyo, habang ang sariwang mga prutas ay kumakatawan sa kasaganaan. Gumamit ng makulay, masarap at seasonal fruit na iba’t iba ang textures upang makabuo ng magandang centerpiece na magdudulot ng kasiyahan sa pamilya.